Advertisers

Advertisers

‘SUNSET VIEW’ SA MANILA BAY MAS GAGANDA PA

0 1,349

Advertisers

KINONTRA ni Philippine Reclamation Authority (PRA) Chairman Atty. Alex Lopez, ang aniya ay “maling impormasyon” na ikinakalat ng mga kontra sa progreso at pag-unlad na “mawawala” at mga nagpoposturang ‘pro-environment advocates.’

Sa kanila kasing propaganda, hindi na makikita ng publiko ang sikat na ‘Sunset at Manila Bay,’ dahil sa mga ‘reclamation projects’ ng PRA.

At ito ang problema sa mga “pabida” partikular sa ‘social media,’ na ang batayan ay ang kanilang “matabang imahinasyon” at hindi ang aktwal na ‘development plan’ na pinagpaguran ng mga totoong eksperto sa ‘urban planning, responsible reclamation’ at ‘self-sustaining community development.’

Sa pagharap ni Chairman Alex sa media noong isang linggo, nasopla ang mga kritiko sa kanilang inakala dahil mula sa kasalukuyang ‘4-kilometers shorelines’ (mula US Embassy hanggang MOA), aabot pa nga sa 22-kilometro ang bagong shoreline ng Manila Bay sa pagtatapos ng proyekto ilang taon na lang simula ngayon.

Translation? Mas maraming lugar ang mapupuntahan ng publiko, nang mga mag-asawa, magkabit o magdyowa, kung gusto nilang pagmasdan ang sikat na Sunset at Manila Bay, habang bumubuo sila ng mga pangarap, nag-aaway o nagsusumbatan—depende na sa kanila, hehehe.

Tatawagin bilang ‘Pasay Eco City’ at may lawak na higit 650 ektarya, ibinida pa ni Chairman Alex na taliwas sa lumang kalakaran kung saan gobyerno ang gumagastos para sa pagtatayo ng mga tulay, kalsada at iba pang imprastruktura—na napupunta lang sa korapsyon—ibang “diskarte” ang gustong mangyari ni PBBM: Pribadong sektor ang maglalabas ng kapital para sa mga ito.

Kung mayroon mang ‘bidding’ pulos, ‘private sector partners’ ang kalahok—at pera nila ang pinag-uusapan kaya mga “ogags” sila kung sarili nilang pera, “kukupitan” pa nila.

May ideya na tayo kung gaano kaganda ang proyektong ito, mga kabayan. At kung gaano kalaki ang magiging ambag nito sa ating ekonomiya, sa paglikha ng trabaho at oportunidad para sa lahat.

Maraming batikos laban kay BBM pero sa kanyang paggabay sa mga ahensiyang katulad ng PRA, gusto nating maniwala na ang tagumpay ng mga proyekto nito ang magiging ‘legacy’ ng kanyang administrasyon na palaging maalala ng mga Pilipino.