Advertisers

Advertisers

SPORTS & ARTS CLINIC PARA SA URBAN POOR KIDS

0 6

Advertisers

NADARAGDAGAN ng kaalaman ang mga kabataang nasa sektor ng urban poor sa bansa sa idinaraos na SIMON Sports and Arts Clinic 2026 BBM2( Batang Bibo Magdrowing/ Batang Bibo Maglaro) Kung saan ang susunod na edisyon ay sa huling weekend ng Agosto sa Tarlac.

Tampok sa kaganapan ang pagtuturo ng libre para sa mga bata ng basic techniques sa pag-guhit at pagpinta ng mural kung saan ay subject ang mga bayani sa sports tulad ni 8-division world boxing champion Manny Pacquiao,Olympic gold medalist Hidilyn Diaz , world champion gymnast Carlos Yulo,Olympian pole vaulter EJ Obiena,tennis sensation Alex Eala,billiards icons Efren ‘Bata Reyes, Marlon ‘ Marvelous Manalo, SBA founder Hadley Mariano Philippine Dragonboat team,PBA action,COCOLIFE sports ,GM Eugene Torre at GM Jayson Gonzales , Hotponger ng table tennis,PSC in action,Triathlon in action,amateur boxing ,URCC MMA,Rene Catalan ng Sudokwan, Sikaran Mantas Crisanto Cuevas,national badminton player Monchie Padiz at POC in action ang mga nakadibuho sa mural painting at main attraction.

Nakatakda ring magkaloob ng baseball equipments at magturo ng basic baseball sa mga bata ang Philippine Amateur Baseball Association ( PABA).

Ang advocacy event ay nakatuon partikular sa mga URBAN POOR sector na naglalayong maturuan sila ng potensyal na livelihood sa hinaharap gayundin sa aspetong ‘earn while you learn’ na kumikita habang nag-aaral.

***

WORKAHOLIC PCUP COMM. REY GALUPO

LABIS na nagagalak ang korner na ito sa nasusubaybayan nating mahusay at dedicated na pagtupad sa kanyang tungkulin bilang lingkod- bayan at Isa sa magagaling na nombrado ng administration na si Commissioner Reynaldo Galupo ng Philippine Commission for the Urban Poor( PCUP).

Si Comm. REY na dating colleague ng Uppercut sa sportswriting fraternity at kasama ng deadline beaters sa PSC – POC Media Center sa Vito Cruz at kabasketbolan, katakbuhan( 5k)at ka – golf – gulp afterwork, ay moving heaven and earth upang makadaupang- palad at mapaglingkuran ang mahal niyang masa na taga- maralitang- lungsod na naglalayong maiangat ang kanilang kabuhayan.

Ang workaholic’Kume ay sinusuyod ang paglilingkod nationwide Kaya sulit ang tiwala sa kanya ng Pangulo at espektasyon ng masang Pilipino. SALUDO PO COMM. GALUPO!

***

WISH NI OFW MARK SALAZAR SA OWWA

ANG dapat ay masayang bakasyon ng isang OFW na si Mark C. Salazar at nauwi sa sakuna nang siya ay maaksidente sakay ng motorsiklo pauwi mula sa bayan sa San Jose, Occ. Mindoro.

Matindi ang tinamong pinsala na kinailangan ng agarang operasyon sa Maria Estrella Gen. Hospital sa Calapan Mindoro na ang bill ay kulang pa sa kanyang kinita overseas.

Walang tulong mula sa kanyang agency dahil nakabakasyon daw siya nang nangyari ang disgrasya.. Ganun?!!

Wish ni Mark na matulungan siya ng OWWA sa AWA ng Lumikha. Paging OWWA Administrator Atty. Patricia Yvonne( PY) Caunan.. TY sa magiging tulong… ABANGAN!