Advertisers

Advertisers

Patakaran ng China sa Bajo de Masinloc ‘di kinikilala ng Palasyo

0 5

Advertisers

MARIING sinabi ng Malacañang na hindi kinikilala ng Pilipinas ang bagong regulasyong ipinatutupad ng China kaugnay ng tinatawag nitong nature reserve sa Bajo de Masinloc.

Ang naturang patakaran ng Beijing ay nagtatakda ng mas mahigpit na pagpapatrulya, pagpapataw ng parusa sa mga lalabag, at paghingi ng pahintulot bago magsagawa ng anumang aktibidad sa lugar.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, panloob na batas ng China ang naturang mga alituntunin at wala itong bisa o saklaw sa panig ng Pilipinas.



Binigyang-diin ni Castro na ang paninindigan ng bansa ay nakabatay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), sa mga umiiral na batas ng Pilipinas, at sa 2016 Arbitral Award na kumikilala sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

Iginiit pa ng Palace official na wala namang inaangking teritoryo ang Pilipinas na hindi nito sakop at patuloy nitong ipagtatanggol ang soberanya at sovereign rights ng bansa sa pamamagitan ng mapayapa at legal na paraan alinsunod sa international law. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">