Advertisers

Advertisers

P85 wage hike para sa NCR workers, ipagtatanggol ng Palasyo

0 5

Advertisers

SINIGURO ng Malacañang na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng legal na hakbang upang maipatupad ang P85 na dagdag-sahod para sa mga minimum wage earner sa National Capital Region.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, inihahanda na ng pamahalaan ang mga kinakailangang dokumento upang kuwestiyunin ang temporary restraining order (TRO) na inilabas laban sa wage order.

Bagama’t iginagalang ng administrasyon ang proseso ng hudikatura, sinabi ni Castro na tungkulin din nitong ipaglaban ang mga hakbang na makatutulong sa kapakanan ng mga manggagawa.



Iginiit din niya na ang tamang proseso para kuwestiyunin ang wage order ay ang paghahain ng apela sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board, at hindi ang direktang pagdulog sa korte.

Aniya, nakahanda rin ang Office of the Solicitor General na depensahan ang naturang wage order.



Samantala, sinabi ni Castro na wala pa siyang maibibigay na petsa kung kailan maipatutupad ang P85 umento sa sahod dahil nakasalalay pa ito sa magiging pasya ng korte at sa mga susunod na hakbang ng OSG. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">