Advertisers
NASABAK sa matinding pakikipagharap si Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa mga militanteng estudyante nang dumalo siya sa Open Government Partnership (OGP) Localization Forum at De La Salle University (DLSU) Manila nitong nakaraang linggo.
Nang banggitin ni Remulla na ang mga kabataan ay may ginagampanang mahalagang papel sa lipunan at dapat na nagsusulong ng katotohanan at pananagutan, sinalubong siya ng mga kakaibang tanong mula sa mga estudyanteng umattend din ng forum.
Bakit daw ibang magtrato ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga gaya nilang mag-aaral? Agad namang dinipensahan ni Remulla ang task force, at sinabing maging siya at ang DILG ay kabilang sa NTF-ELCAC.
“I was part of the NTF-ELCAC. It was never against student activists,” ang sabi sa kanila ni Remulla, at dinagdag pa, na pumapasok lang ang pakiki-alam ng pamahalaan, kung ang isang individual ay sumasama na sa armadong pakiki-alam sa pamahalaan.
“We never red-tag students if they are voicing their concerns, and I give you that guarantee,” pagtityak pa niya.
Ang dapat nga raw gawin ng mga mag-aaral ay kiwestiyunin ang mga mali nilang nakikita sa pamahalaan, at laging ipaalala sa mga opisyal ang good governance alive.
Ang sumunod na pangyayari sa forum at ang pagsigaw na ng mga estudyanteng nandun sa forum.
“DLSU, cut ties with fascists!” ang sigaw ng mga estudyante.
Humanga naman ako sa kalihim, at di niya pinatulan ang pagsigaw ng mga estudyante at sinabi lamang na “see, I told you I was called a fascist. It’s okay. I don’t mind. No one will arrest you. No one will tag you. You have that right. Exercise that right.”
Kabataan nga naman…