Advertisers
Wow, our biggest, grandest congratulations to Alexandra ‘Alex’ Eala!
Our first Filipino Women’s Tennis Association (WTA) na nagtala ng makasaysayang panalo nitong Lunes, Agosto 3, 2026 sa WTA Tour singles title, ito ay nang talunin niya si World No. 3 Jessica Pegula sa Mubadala DC Open sa Washington, D.C.
She did not only rises in her personal ranking nasa Top 20 ng WTA.
May kakambal pang tropeo at cash prize na $252,000 (approximately P15.4 million) , ang panalo ni Alex, at tiyak, kasunod nito, ang maraming commercial endorsement, at parangal na maipagkakaloob sa kanya ng ating gobyerno.
Tandaan na ang mga atletang tulad nina Caloy Yulo, 2024 Olympic gold medalist sa floor exercises, Hidilyn Diaz, unang Flipinong sumungkit ng gintong medalya sa Olympics na tumanggap ng multi-milyong cash at iba pa.
Wag kalimutan si pambansang kamao, 8-division boxing champ, Manny ‘Pacman’ Pacquiao ay tumanggap ng maraming parangal at ang GOAT ng pool at billiard na si Efren ‘Bata’ Reyes na naglagay sa Pilipinas sa mundo ng great world sports!
Bakasin natin ang mabato, maputik na daan na nilandas ni Alex bago niya nakamit ang pinakamatayog na tagumpay at tanghaling pinakamagaling na tennista ng mundo.
Sa konting research natin, ito ang ating natuklasan sa tulong ni Mr. Google.
Sa simula ng WTA tour, si Alex ay umentra na unseeded sa WTA 500 Mubadala DC Open, Agosto 2026, at sa unang paluan, tinalo niya si Zheng Qinwensa tatlong set.
Hindi biro ang ginawa ni Alex, si Zheng ay ang reigning, nakaupo sa trono bilang babaeng Olympic champion!
Tsamba lamang ba ang panalo, siguro nga, sabi ng iba, pero hindi para kay Alex pagkat, sa loob niya, sa isip at puso niya, kailangan na manalo siya, at hindi siya papayag na biguin ang milyon-milyong Pilipino na umaasa na mag-uuwi siya ng tagumpay.
Mas nagpatatag si Alex at sa Round of 16: pinabagsak si Leylah Fernandez – ang Pinay-Canadian na defending champion, sa straight sets, wow, wow!
Hindi na ito tsamba, pagpapakita na ito ng kahusayan, ang maging masterclass niya sa larong tennis pagkat mga batikang kampeon ang winasak niya sa hataw ng kanyang raketa.
Sumunod na sa Quarterfinals, isa pang Olympic medalist ang binutas ni Alex ang hawak na raketa sa score na 63, 64.
Sa semi-finals, matindi ang kalaban ni Eala, ang kaibigan niya, at tinalo na siya sa isang torneo – ang Haponesang si Naomi Osaka na kagulat-gulat ang credentials: apat na beses na Grand Slam champion ang pinabagsak niya.
Eto na, ang huling hataw sa lambat upang manalo laban kay Jessica Pegula, World No. 3.
Ang prediksyon, mahihirapan si Alex pagkat kilala sa liksi, lakas at tatag si Jessica Pegula, at sa unang set, laglag si Eala sa score na 4-6.
Nawalan ba ng loob si Alex, hindi po, sa sigaw at palakpakan ng mga tagahanga niya, lalo ang mataimtim na pangako, hindi na niya bibiguin ang umaasang tagahanga at ang mamamayang Pilipino.
Bumawi si Alex sa ikalawang set: 64.
Tagaktak ang pawis, namimitig na rin ang kalamnan ng mga binti, hita at ang katawan, pero hindi niya kailangang indahin iyon: kailangan sa ikatlong set, madomina na niya ang laban.
Sa isip niya: ngayon na, ito na ang tamang panahon na uuwi siya na isang kampeon.
Hindi na siya si Alex sa laro, isa na siyang mandirigma at sa hampasan ng raketa, sa paghabol at pagbabalik-bato ng tennis ball, dominado na niya ang laro: 60!
She is now The Giant Slayer!
Sa panalo niya, umakyat na si Alex ng rating: siya ay itinala bilang World No. 20 sa WTA rankings, pinakamataas sa kanyang karera, at siya ang unang Pinay na may gayong karangalang naitala sa larong tennis.
Hindi solo ni Alex, sabi niya ang kanyang panalo, aniya, ang panalo niya ay sa kanyang bansa – sa ating minamahal na bayang Pilipinas.
Ang panalo niya ay isang pambansang pagdiriwang, at sa Senado nga, nitong Lunes, pansamantalang itinigil ang Senate impeachment trial versus VP Sara Duterte,
Nagbigay pugay, nagbigay ng saludo at paghanga sa tagumpay ni Alex, at tama lamang ito, lalo sa panahong kailangan-kailangan ng bansa ng isang pangyayaring magbibigay ng dangal sa ating bansa.
Hindi siyempre, magpapahuli si Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos – siya ay nagbigay ng personal at opisyal na pagbati kay Alex at tinawag siya na isang malaking karangalan ng Pilipinas a isang huwaran ng kabataan at ng mamamayang Pilipino.
Marami pang kiilalang personalidad, karaniwang Pilipino ang nagbigay pugay sa tagumpay na ito ni Alex: mandin higit pa ito sa gintong lantay sa kinang.
Isa itong karangalan ng Pilipinas na mahihirapang masuklian.
Sa panalo ni Alex sa mabato at maputik na daan ng kampeonato ng WTA 500 crown ay hindi biro.
Mula sa pagiging unseeded, hanggang maging Giant Slayer ng mga kampeon, Olympic medalists, at mga reyna ng tennis ng mundo, ang panalo ni Alex ay isang matayog na pag-angat, mandin, parang isang sisiw na naging Agila na kanyang dinagit ang korona ng tagumpay.
Ang panalo ni Alex ay bagong mukha sa mundo ng sports.
Marami na tayong bayani sa mundo ng basketball, boxing, bilyar, fencing, martial arts, shooting, weightlifting, at iba pa, pero sa tennis, wala pa.
Tanging si Felicisimo Ampon ang unang Pinoy na naging kampeon ng mundo noon – pero ilang dekada na iyon, at salamat kay Alex, binuksan ang mundo ng tennis na tayo ay hindi pwedeng ismolin.
Pambansang dangal ang ginawa ni Alex at ipinakita niya, basta pagtitibayin ang loob, hindi susuko sa pagkadapa, at aangkining hagdan sa tagumpay ang mga naunang kabiguan, ang korona – sa wakas ay makakamit din.
Ipinakita ni Alex: ang imposible, kayang maging posible.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.