Advertisers
Lumaya na ang 38 na Persons Deprived of Liberty (PDL) dahil sa bawas sentensya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance at Time Allowance for Study, Teaching and Mentoring sa Mandaluyong City Jail Dormitory ngayong araw.
Sabik na sinalubong ng kani-kanilang mga pamilya at kaanak ang mga bagong laya matapos ang mahabang pagka-kakulong.
Ayon kay Jail Warden J/CInsp. David Jambalos, bago palayain ay sinanay muna sila sa iba’t ibang kasanayan upang may magamit sa kanilang bagong buhay at pagbangon.
Bahagi ito ng regular na programa ng Bureau of Corrections (BuCor) — upang tulungan umano ang mga bilanggo sa pagbabago at mabawasan ang pagsisiksikan sa mga pasilidad.
Ngayong taon pa lamang, umaabot na sa 370 PDL na ang napalaya sa nasabing kulungan. (Edwin Moreno)