Advertisers

Advertisers

Si Sara lang ang DepEd Secretary na may intel funds

0 5

Advertisers

SA  mga naging secretary ng Department of Education (DepEd), ibinunyag ng nakaraan at kasalukuyang state auditors ng Commission on Audit (CoA) na tanging si Vice President Sara Duterte ang nagkaroon ng confidential funds, na  sa kung ano-anong bagay nilustay.
Mula nang mahalal siyang Bise Presidente at naitalagang DepEd Secretary mula 2022 hanggang 2024, nagkaroon siya ng confi funds na P500 million sa Office of the Vice President (OVP) at P112.5 sa DepEd.
Ayon sa state auditors si Sara lang ang naging DepEd Secretary na nagkaroon ng confi funds.
At sa mga Bise Presidente, si Sara lang ang nagkaroon ng napakalaking confi funds na P500m.
Mula kay Gloria M. Arroyo, siya’y nagkaroon lamang ng P3 million noong Bise Presidente, sumunod sina Teofisto Guingona (P5.1m), Jojo Binay (P6m), Noli de Castro (P6.59m), Leni Robredo (zero).
Ang kaso niyang ito ang pinakamalakas sa articles of impeachment kungsaan nagkakandautal-utal ang defense team ng Bise Presidente.
***
Mula sa post ng Nutriban Republic:
“Si Atty. Roderick Wamil ay abogado, mahigit 11 taon COA auditor, dating ICFAO auditor, at audit team leader. Ibig sabihin, literal na trabaho niyang himayin kung legal, regular, at maayos ang paggastos ng pera ng bayan. Tapos babarahin siya ni Imee Marcos, na hindi kinilalang high school graduate ng mismong paaralang ipinangalandakan niyang pinagtapusan, at ni Robin Padilla, na bawat tanong ay parang public service announcement kung gaano kalayo ang confidence sa comprehension.
Ang totoo, nakakahiya. Isang eksperto sa audit ang ini-interrogate ng isang hindi kinilalang high school graduate at isang senador na halatang mas malakas ang boses kaysa grasp sa basic audit rules. Mga senador kayo, hindi panel ng barangay talent contest. Kung gusto ninyong tawagin kayong “Your Honor,” matuto rin kayong magbigay ng parehong respeto at courtesy sa mga testigong humaharap sa inyo. Kapag yabang ang puhunan at kulang ang laman, hindi iyan sharp questioning. Squammy arrogance lang iyan, live at taxpayer-funded.
Independent constitutional commission ang COA, hindi punching bag ng mga opisyal na nao-offend kapag may taong mas may alam sa kanila. Si Wamil at ang ibang resource persons ay kapwa ninyo public servants, hindi mga ekstra sa pelikulang puwedeng sigawan kapag hindi pabor sa script ang sagot. Kung wala kayong maayos na sagot sa findings, huwag ninyong takpan ng sigaw, drama, at angas.
Kahit anong taas ng boses, hindi niyan mapapalitan ang credentials. Kahit anong irap, hindi niyan mabubura ang simpleng katotohanan: mas may timbang ang isang beteranong auditor kaysa sa opinyon ng isang senador na hindi kinilalang graduate ng sarili niyang claimed high school at isang walking exhibit ng low-IQ lawmaking.”
Hindi na kasi dapat pumapapel pa itong sina Imee at Robin, nalalaman tuloy ng taongbayan ang kanilang kabobohan. Buti pa si Senator-Judge Lito Lapid nakikinig lang sa isang tabi, para raw makaboto siya ng tama. Mismo!