Advertisers

Advertisers

2-anyos ‘di tumigil sa pag-iyak patay sa suntok ng amain

0 3

Advertisers

NASAWI ang dalawang taon gulang na batang lalaki dahil sa mga tinamong suntok sa katawan at pinsala sa ulo.
Sa impormasyon mula sa Naval Municipal Police Station at Biliran Police Provincial Office isinugod sa Biliran Provincial Hospital ang bata nang matagpuang walang malay malapit sa kanilang bahay sa Barangay Catmon, Naval, Biliran noong Agosto uno.
Dead on arrival na ang bata sa ospital, ayon sa PNP.
Sa imbestigasyon, lumabas na ang 27-anyos na stepfather ang may kagagawan sa pananakit sa bata base sa testimonya ng kanyang apat na taon gulang na kapatid at ilang testigo.
Ayon sa PNP, batay sa salaysay ng ilang testigo, dalawang beses sinuntok ng ama-amahan ang bata at itinulak ito dahilan para matumba at tumama sa bato ang kanyang ulo.
Nagalit ang ama-amagan dahil sa walang tigil na pag-iyak ng bata kaya sinaktan ito.
Wala ang nanay ng bata nang mangyari ang insidente, ayon sa PNP.
Agad namang naaresto ang sa-larin at nahaharap sa kasong murder.