Advertisers
NAG-ISYU ang Korte Sup-rema nitong Miyerkules, Agosto 5, ng writs of amparo at habeas data pabor sa apat na indibidwal na target ng red-tagging.
Ayon sa SC, inisyu ang protective writs para kina Atty. Rey Gorgonio, Joselito Macapobre, Analyn Mirano, at Ma. Anabelle Illustrisimo.
Samantala, nag-isyu din ang SC ng temporary protection order na nag-aatas kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Antonio Nafarrete at iba pa na huwag lumapit sa mga petitioner at pa-milya nito sa loob ng isang kilometro.
Bukod dito, inatasan din ng korte ang Court of Appeals (CA) na magsagawa ng summary hearings upang matukoy kung ang mga petitioner ay karapat-dapat sa prebilehiyo ng mga writ.
Inatasan din ng SC ang militar at law enforcement officers na maghain sa loob ng 10 araw ng kanilang verified return sa CA.
Ayon sa korte, inakusahan ang mga petitioner na sila ay na-red tag at tinukoy bilang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army dahil lamang sa kanilang human rights works at kaugnayan sa non-government organization na nagsusuporta sa mga magsasaka sa Negros Island.
Ani Army spokesperson Colonel Louie Dema-ala, hihintayin nila ang opisyal na notice mula sa korte at nirerespeto ang proseso.
Sasagot din aniya sila sa nararapat na panahon.