Advertisers
POSIBLENG mapagdesisyunan ngayong taon ang hi-ling ng Estados Unidos na i-extradite si Apollo Quiboloy, sinabi ng Department of Justice (DOJ) nitong Sabado, Agosto 8.
Ayon kay DOJ Undersecretary Raul Vasquez, kasalukuyan nang sinusuri ng Office of the Chief State Counsel ang hiling ng US.
Nang tanungin kung magkakaroon ng desisyon sa hiling ngayong taon, si-nabi ni Vasquez na, “I think so.”
“Ang proseso sa ngayon dito sa DOJ assessment or evaluation na tinatawag, si-guro mga one week, two weeks, three weeks, most likely; At most, one month. Then, [kapag] ma-i-file na, magkakaroon ng hearings sa korte, sa regional trial court,” paliwanag pa niya sa panayam ng DZMM.
Sa pagtukoy sa extradition treaty ng Pilipinas at US, si-nabi ni Vasquez na mayroong dalawang paraan sa paghawak ng mga kaso ni Quiboloy sa oras na maaprubahan ang hi-ling. Una ay ang pagsuspinde sa implementasyon ng extradition pending resolution ng lokal na korte, o temporaryong isuko ang akusado upang litisin sa US.
“Ang importante diyan ti-tignan natin kung ano, what are the conditions that would be included in that exercise of that second option of temporary surrender to the US for the trial of the cases there,” sinabi ng DOJ official.
Kung hindi papabor kay Quiboloy ang desisyon ay maaari itong umapela sa Kor-te Suprema.
Si Quiboloy ay naka-detain sa Pasig City Jail sa rekla-mong ‘qualified human trafficking’ at ‘sexual abuse’.
Siya ay wanted din sa US dahil sa ‘sex trafficking’ at ‘visa fraud’, kasama ang iba pang mga kaso.