Advertisers
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Dr. Edwin Mercado bilang bagong kalihim ng Department of Health (DOH), kapalit ni Dr. Jose Brittanio Pujalte Jr.
Kinumpirma ito ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro sa isinagawang press briefing nitong Lunes, Agosto 10.
Si Mercado ang mangunguna sa DOH at sa mga pangunahing programa ng pamahalaan para sa kalusugan ng mga Pilipino.
Ang kanyang appointment ay inanunsyo sa gitna ng patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa mga hamon sa sektor ng kalusugan.
Samantala, dahil wala na si Mercado sa Philhealth, hinirang ni PBBM si Dr. Beverly “Bev” Lorraine Ho bilang acting president at CEO ng ahensya.
Sinasabing nag-resign si Pujalte dahil sa umano’y health issues.
Bago ang kanyang appointment, si Ho ay Chief Health Officer ng Ayala Healthcare Holdings, Inc. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)