Advertisers

Advertisers

Mali na address sa kaso nais gawing krimen ni Sen. Padilla; P300K multa, 2 taon kulong

0 8

Advertisers

NAIS ni Senador Robinhood “Robin” Padilla na gawing krimen ang sad-yang paggamit ng maling address upang maisagawa ang preliminary investigation nang hindi nabibigyan ng pagkakataong makalahok ang respondent.

Sa Senate Bill No. 1957, ipinanukala ni Padilla ang pagkakakulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon at multa mula P100,000 hanggang P300,000 sa sinumang sadyang nagbibigay ng maling address para maiwasan ng respondent ang paglahok sa preliminary investigation.

Ayon kay Padilla, layunin ng panukala na protektahan ang mga indibidwal laban sa malisyoso at mapang-abusong prosecution.



Binigyang-diin ng senador na ginagarantiya ng 1987 Constitution ang due process at dapat sundin ang itinakdang proseso bago maalis sa isang tao ang kanyang buhay, kalayaan o ari-arian.

Aniya, hindi lamang ang respondent ang naaagrabyado sa paggamit ng maling address dahil nasasayang din ang oras at resources ng justice system.



Layunin ng preliminary investigation na matukoy kung may sapat na batayan upang paniwalaang may naganap na krimen at malamang na nagkasala ang respondent at dapat itong humarap sa paglilitis.

Dagdag ni Padilla na sa pamamagitan ng SBN 1957, mapapalakas ang proteksyon laban sa malisyoso at mapang-abusong prosecution at mapangangalagaan ang integridad ng preliminary investigation. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">