Advertisers
Advertisers
Advertisers
WALANG kalusot-lusot sa pananagutan si Vice President Sara Duterte-Carpio sa mga ebidensiya mula sa Commission on Audit (CoA) hinggil sa mga maling pinaggamitan ng kanyang higit kalahating bilyong confidential funds.
Ayon sa dati at mga kasalukuyang state auditors na humihimay sa intelligence at confidential funds ng Office of the Vice President, lahat ng public funds partikular confi at intel funds na pumapasok sa OVP ay ang head ng agency ang higit na may pananagutan dahil ito ang nag-aapruba sa pag-release ng pondo. Mismo!
Base sa kanilang paghimay sa mga resibo o vouchers ng pinaggastusan o binigyan ng pondo mula sa confi/intel funds ni VP Sara ay mali at iligal. At lahat nang ito ay pananagutan ng head ng agency, si VP Sara, at mga asignatories sa pag-release ng pondo.
Natuklasan naman ng National Bureau of Investigation (NBI) na sa higit 5,000 acknowledgement receipts ng confi funds ni Sara eh pinirmahan lang ng pitong (7) tao.
Ang isa raw sa pitong pumirma ay miembro ng LGBT. Ganun?
Lahat nang ito ay nalantad sa ika-14 day ng Impeachment Trial laban sa Bise Presidente.
Inaasahang marami pang mabubunyag sa pagpapatuloy ng trial.
Subaybayan!
***
SA mga nangyayaring malawakang pagbaha ngayon sa buong bansa, lalo sa mga probinsiya na binuhusan ng bilyon bilyong pisong pondo para sa flood control, hinahanap ng mga DDS (Duterte diehard supporters) kung saan daw dumaloy ang pondo bakit malawakan parin ang mga pagbaha.
Ayon sa datus, ang nakaraang Duterte administration (2016-2022) ay nagkaroon ng napakalaking pondo sa flood control, P612 billion!, mas malaki ng anim na beses sa naging pondo ng nakaraang administrasyon ni yumaong Pangulo Noynoy Aquino.
Sinabi ni Duterte na nagpatayo siya ng 11,340 flood control projects. Pero hindi ito makita kung nasaan. Bakit hindi napapakinabangan ng mga DDS, este ng mga Pilipino?
Ang mga depektibo at ghost flood control projects na iniimbestigahan ngayon ay nangyari sa administrasyon ni Duterte, base sa testimonya mismo ng mga kontraktor na inimbestigahan ng Kongreso partikular ng Senate Blue Ribbon Committee.
Kung hindi naging konsintidor noon si Duterte, kung hindi niya pinoproteksyunan ang mga kaalyado at opisyal niya sa pagnanakaw sa pondo ng publiko, hindi sana lumulubog sa baha ngayon ang mga DDS este ang ating mga kababayan.
Hindi ako pro-Marcos. Hindi ko siya ibinoto. Si Leni Robredo ang ibinoto ko, pero sa tingin ko ngayon kay PBBM ay malayong maayos ang pamamalakad niya kesa kay Digong. Gusto ko ang pamamamuno niya. Mismo!
Tandaan: Si PBBM ang nagpaimbestiga sa flood control projects, matapos niyang banggitin sa kanyang SONA noong 2025. Marami nang politiko at opisyal ang nakulong. May mga makukulong pa!
Abangan!