Advertisers

Advertisers

PROYEKTONG PANLABAN SA BAHA SA MONTALBAN, WASAK DULOT NG BAGYONG MAYMAY AT HABAGAT!

0 15

Advertisers

Personal na siniyasat ni Rodriguez (Montalban) Mayor Ronnie Evangelista ang lawak ng pinsala sa nawasak na flood control project sa gil1id ng ilog sa Barangay San Jose, na bumigay sa hagupit ng Bagyong Maymay at Habagat.



Ipinapahiwatig ng ilang residente na posibleng hindi maayos ang paggamit ng milyun-milyong pondo ng proyekto — kaya mahina ang pundasyon at agad nasira.

Sinasabi ring gawa ito ng dating director ng DPWH Region 4A na pinamumunuan ngayon ni Regional Director Carolina Pastrana.



Hanggang ngayon, wala pang tugon ang DPWH 2nd District Rizal Engineering Office na pinamumunuan ni Acting District Engineer Juan “Jhonny” Panganiban.

Nakipag-ugnayan na ang alkalde sa mga kinauukulan upang agarang maayos ang nasirang dike. (Edwin Moreno)