Advertisers

Advertisers

Cong. Leviste no show uli sa subpoena ng NBI

0 4

Advertisers

NO SHOW muli si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste sa subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano’y ‘honey-trap’ o sex scandal plot laban kay Executive Secretary (ES) Ralph Recto.
Nagpadala lamang ang mambabatas ng kanyang abogado sa tanggapan ng NBI.
Dakong 9:30 Martes ng umaga nang dumating ang dalawang abogado at nagtungo sa NBI-National Capital Region (NCR).
Wala namang komento ang mga abogado kung nasaan bumisita ang bagitong mambabatas.
Una rito, kinumpirma ni NBI Director Melvin Matibag na umalis ng bansa ang mag-inang Leandro Leviste at Senador Loren Legarda noong August 2 na France ang destinasyon.
Sa mga lumabas sa impormasyon, si Leviste ang financier ng tangkang pag-set up kay Recto, habang si dating Rep. Jing Paras ang facilitator, base narin sa testigo na nahuli sa entrapment operation ng NBI.