Advertisers

Advertisers

Atasha Muhlach target maging Dyesebel

0 4

Advertisers

Ni Anne Venancio

From theater queen era to future movie star? Mukhang all systems go na si Atasha Muhlach!

Habang todo ang paghahanda niya bilang Annie Batungbakal sa Bongga Ka ‘Day, The Annie Batungbakal Musical, inamin ng young actress na marami pa siyang gustong ma-explore sa showbiz—at isa na rito ang paggawa ng pelikula.

Matapos mapabilib sa kanyang acting debut sa Bad Genius, ibinahagi ni Atasha na dream project niya ang isang feel-good rom-com. Hindi rin niya itinago ang matagal na niyang pangarap na gumanap bilang Dyesebel, ang iconic role na minsang binigyang-buhay ng kanyang mom na si Charlene Gonzalez.

Ayon kay Atasha, espesyal ang karakter ni Dyesebel para sa kanya dahil lumaki siyang naniniwalang “real-life mermaid” ang kanyang ina. Dagdag pa niya, game na game siyang gawin ang role dahil komportable siya sa tubig.

Samantala, mas confident na rin siyang humarap sa entablado habang papalapit ang opening ng Bongga Ka ‘Day, The Annie Batungbakal Musical, na magsisimulang mapanood sa September 18 sa Newport Performing Arts Theater.

Mukhang mas marami pang exciting roles ang nakalaan para kay Atasha—at handang-handa na siyang sumabak sa susunod na chapter ng kanyang showbiz journey.