Advertisers

Advertisers

KAHIBANGAN ANG ‘ONE-ON-ONE MEETING’ NI BBM, MISFIT SARA

0 6

Advertisers

MAY kakatwang balita na bumulaga sa amin kahapon ng umaga. Tungkol ito na balitang kahilingan ni Misfit Sara na magkaroon sila ni BBM ng “one-on-one meeting.” Hindi sinabi kung para ano, para saan, kailan, at saan. Basta isahang pulong.

Kung totoo ang balitang ito, isa lang ang ibig sabihin: inamin sa wakas ni Misfit Sara na wala siya sa katwiran. Patalo ang kanyang laban at nais lang na humingi ng areglo. Wala siyang lusot kaya ayusin na lang, sa maikli.

Ito ang mahirap sa mga kabilang sa sindikatong kriminal ng Inferior Davao. Ang buong akala nila’y si Gongdi pa ang pangulo ng bansa at basta magagawa ang bawat nais. Nakalimutan nila na hindi na pangulo si Gongdi at wala ito sa poder dahil kasalukuyan siyang nakakulong sa piitan ng ICC upang harapin ang bintang na crimes against humanity sa kanya.

Wala rin sila sa poder at wala silang matwid upang pag-usapan ang anumang areglo sa malaking suliranin. Lubhang marami ng nangyari upang ayusin ang sigalot sa kanila. Sa maikli, si Misfit ang salarin at hindi si BBM.

Naging lubhang palalo, palaiwas, mataray, at bastos si Misfit Sara sa mga pagsisikap na hingan siya ng paliwanag kaugnay sa mga anomalya ng kanyang tanggapan sa maraming usapin kasama na ang pagkawala ng P612.5 milyon na confidential fund.

Kung kailan nasa kalagitnaan na ng impeachment trial, hihingi si Misfit Sara ng areglo. Hindi namin nakikita na pagbibigyan siya ni BBM dahil walang katwiran ang anumang One on one meeting. Hindi siraulo si BBM upang pagbigyan ang isang pulong na walang kahihinatnan. Hindi siya nagpapakamatay upang hukayin ang sariling libingan.

Ang pinakamaganda ay harapin ni Misfit Sara ang mga paratang sa kanya. Dumalo siya sa impeachment trial at sagutin ang mga bintang kung may isasagot siya. Pero sa tingin ay wala siyang isasagot dahil parang katotohanan ang mga paratang sa kanya.

Saka bakit kakausapin ang taong bumastos sa kanya at pinagbantaan na papatayin? Isang malaking kahibangan o kalokohan para kay BBM na kausapin si Misfit Sara.

***
NANG isulat namin ang aming kuro-kuro na wala pang kandidato si BBM, tila sumagot ang pangulo ng kumpirmahin niya sa isang panayam na wala pa nga siyang napipisil na mamanukin sa 2028. Ngunit inilatag niya ang kondisyon na kanyang kandidato: kailangan ipagpatuloy niya ang kanyang adbokasiya na sugpuin ang malaking pandarambong sa kaban ng bayan.

Kailangan ng isang kandidato na hindi kurap at maipagpapatuloy ang pagsupil sa korapsyon sa bansa. Pasaring ito sa mga Duterte na wala sa kanilang hanay ang isasabak ni BBM sa 2028. Kalaban ang tingin sa kanila ni BBM.

Nakikita natin na hindi mamanukin ni BBM ang sinuman na kakampi ng China o mamamatay tao na ipagpapatuloy ang madugo pero bigong giyera kontra droga ni Gongdi. Bagaman hindi pa niya sinasabi ang mga ito pero diyan tutumbok ang kanyang mga pahayag upang tuluyang isara ang pinto sa mga Duterte at kanilang kapanalig.

Nakikita ang posibilidad na bukas si BBM sa anumang alyansa mga demokratikong puwersa. Maaaring mahirap isipin pero sadyang ganito ang pulitika. Ang katunggali kahapon ay maaaring kakampi sa kinabukasan.

Pero linawin namin. Hindi ko nakikita ang posibilidad na mamanukin ni BBM si Leni Robredo. Sa ikapapanatag ng damdamin ng mga kabilang sa grupong lenitic at hindi, hindi namin nakikitang kumbinsido si BBM na si Leni ang sagot sa maraming suliranin ng bansa. Kunsabagay, walang balak si Leni na sumabak sa 2028.

***
TAMA si Kin. Benny Abante ng Maynila na hindi na popular si Misfit Sara. Maraming Pinoy ang kumbinsido sa mga ebidensya na inilatag ng Prosecution Panel sa impeachment trial ni Misfit sa Senate impeachment court. “Naniniwala ako na the Vice President is not as popular as before,” ani Abante sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City.

“Nakikita na ng taumbayan ang nangyayari. And I think that they are deciding, they are actually looking now for evidence. Palagay ko nabawasan na ang rating ng ating Vice President dito,” ani Abante.

Patunay ang bumabang rating ni Misfit Sara sa mga nakalipas na survey kung saan ipinakita ng OCTA Research survey ngayong buwan na nais ng 55% ng mga Filipino na ibatay sa mga katibayan na inilatag sa Senado kung hahatulan ng guilty o ipapawalang sala si Misfit.

Batay sa OCTA survey, naniniwala ang 71% sa mga Pinoy na dapat ibatay ang desisyon sa ebidensya at batas. Sa survey ng Social Weather Stations, naniniwala na 70% ng mga tinanong na dapat harapin at sagutin ni Misfit ang lahat ng mga bintang sa kanya upang linisin ang kanyang pangalan.

“Sa akin, sinasabi ko, sana hindi maging exercise of politics ito. Dapat ito, makita na ng taong-bayan, makita ng impeachment court mismo itong ebidensya. Huwag sanang magkaroon ng blinders o ng tinatawag nating political cataract ang mga senator-judges tungkol diyan,” aniya.