Advertisers
VOX POPULI, Vox Dei… ito ay Isang salitang Latin na ang ibig sabihin sa English ay voice of the people, voice of God at sa Pilipino naman ay boses ng mga tao, boses din ng Diyos.
Isang magandang halimbawa na ang kasalukuyang nangya-yari sa PINAS na kung saan bilyong halaga ng Piso ang ninakaw ng ilan politiko at kontratista mula sa flood control project ng gobyerno.
Sa simpleng salita ay walang nangyari sa nasabing proyekto bagkus ay lalo pang tumaas ang pag-baha sa maraming lugar sa bansa.
Sa mga bulsa lang NG MGA mandarambong napunta ang pera ‘di alintala ang libo-libo nilang mga kababayan na nakalubog SA BAHA sa buong maghapon at magdamag.
Sanhi nga ng pagbaha, ‘di maiwasan na makakuha ng sakit at karamdaman ang mga kapuwa nating mga Pilipino ‘di po ba?
Ang mga boses at dalangin ng kapuwa tao nating naghi-hirap ay imposibleng hindi marinig at maramdaman ng Diyos.
Ang kanilang mga hinanaing at sama ng loob laban sa mga makapangyarihan ay tila hindi naririnig ng lipunan na tila nagtetengang kawali na lang.
Sa situwasyong ganito ay tanging ang Maykapal na Lang ang kanilang kinakapitan at hinihingaan ng sama ng loob.
Sa dami ng mga boses na nananalangin na iisa rin ang minimithi, matik na maramdaman at marinig ito ng Diyos.
Sa sarili niyang paraan, saksing buhay tayong lahat kung anong pagkilos ang kanyang ginawa.
‘Di ba’t halos tatlong linggong singkad na tuloy-tuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan na pagbaha ang dulot, tama po ba?
Gaano man ka-walanghiya ang mga ito ay tiyak at siguradong babaga-bagin pa rin ang kanilang konsensiya dahil sa kanilang kaganidan na kung saan libong mga kababayan nilla ang naghihirap at nagsasakripisyo para lang sa sarili nilang interes.
Ibang klaseng stress ang kasalukuyang nararamdaman ng mga ito ngayon dahil hindi na taumbayan ang kanilang kalaban kundi mismong sarili nilang konsensiya.
Maari nating sabihin na ang hakbang na ito ay plano ng ating Panginoon dahil habambuhay na nila itong iindahin lalo na sa panahon ng ulan at pag-baha.
Kung kaya’t tama ang kasabihan na “majority wins” dahil siguradong kakampi natin ang Diyos na gagawa’t-gagawa ng paraan at pagkilos sa sarili niyang istilo basta wait and watch lang Tayo.
Sa ating mga kaba-bayan, huwag ng masyadong damdamin ang naging kaganapan dahil bagama’t wala tayong ganon karaming pera tulad ng mga mandarambong ay sisiguraduhin Kong mas Masaya pa rin Tayo sa kanila he… he… he…
Lagi nating ipasok sa ating mga kukote na kakampi natin ang Diyos at hindi niya Tayo pababayaan hanggang huli, tama po ba?