Advertisers

Advertisers

LAPID, NAGHATID NG TULONG SA 6,000 PAMILYANG BINAHA SA PAMPANGA

0 12

Advertisers

NAGLIBOT ngayong araw si Senador Lito Lapid sa mga binahang bayan sa kanyang lalawigan sa Pampanga upang kumustahin ang kalagayan ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha dulot ng bagyo at habagat.

Sa kanyang personal na pag-iikot, kinumusta ni Lapid ang kalagayan ng mga Kabalen nya sa Minalen, Macabebe, Masantol at Candaba.

Nakipag-ugnayan din ang senador sa mga lokal na opisyal ng bawat bayan upang matukoy ang mga kagyat na pangangailangan ng mga kababayan.

Kaakibat nito, namahagi si Lapid ng food packs para sa may 4,000 pamilyang nakalubog pa rin sa baha dulot ng bagyo at habagat.

Kasama ng Senador ang ilang lokal na opisyal ng pamahalaang panglalawigan ng Pampanga sa paghahatid ng tulong sa mga nasalanta.

Samantala, maghahatid din ng relief goods ang Lingkod Lapid team sa mga bayan ng Sasmuan at Guagua, Pampanga.

Sa kabuuan, umabot sa 6,000 pamilya ang nabigyan ng family food packs.