Advertisers
Advertisers
Advertisers
MAY pasabog si dating Department of Public Works (DPWH) Secretary Manuel Bonoan laban kay Senador “Chiz” Escudero.
Sa kanyang judicial affidavit, sinabi ni Bonoan na umabot sa P21 billion ang nagamot mula sa p24-bilyong internal allocation ng DPWH para sa tinatawag na “Senate Leadership Fund” ara sa taong 2025.
Sinabi ni Bonoan na nakipagpulong siya noon kay Escudero, na noo’y Senate President, kaugnay ng naturang pondo. Aniya, iilaan ang pondo upang maisama sa DPWH budget ang mga prayoridad na proyektong pang-imprastraktura ng mga senador.
Tinattayang nasa P500 milyon ang minimum allocation para sa bawat senador, habang maaaring umabot sa P1 bilyon ang para sa Senate President at mga chairperson ng mahahalagang komite.
Kung totoong lahat ang sinasabing ito ni Bonoan, dapat sigurong imbestigahan ng Ombudsman kung saan dinala ng mga senador ang mga naging bahagi nila mula sa naturang pondo, lalo ang mga tserman ng komite na nakakuha ng bilyon!
Alam natin na ang mga senador ay walang constituent, hindi tulad ng mga kongresista na mayroong distrito. Kaya dapat malaman ng taxpayers kung saan inilagay ng mga senador ang kanilang P500 million o higit pa mula sa Senate Leadership Fund? Saan???
Paki-explain, Senador Chiz!!!
***
Kinuwestyon ni House prosecution counsel Lorn Kapunan ang madalas na foreign travels ni Vice President Sara Duterte, sinabing kung ang ginagamit nga niyang pondo sa mga pagbiyahe ay personal niya, ito ay dappat suriin kaugnay ng iniimbestigahang ‘unexplained wealth’ sa impeachment trial.
Sinabi ni Kapunan na ang dineklera ni Sara na income, assets, at family business interest ay maaring ikumpara sa kanyang travel expenses para matukoy ang pinagmulan ng pondo, tinanong kung paano nito nakayanan ang mga gastos sa pagbiyahe kung base lamang sa kanyang dineklarang pera.
Ang isyung ito ay relevant sa pagpresenta ng prosecutors ng ebidensya sa Article ll ng impeachent complaint, kungsaan inaakusahan si Sara ng pagkamal ng unexplained wealth, na hindi angkop sa kanyang legal na kita.
Magpapatuloy ngayon ang impeachment trial.
Subaybayan!
***
Ipinangalandakan ng magkakapatid na Duterte na “zero budget ang Davao” sa loob ng apat na taon.
Pero may lumabas na resibo na nabigyan ng P15.846 billion budget para sa taon 2026 ang Davao City.
Natameme mga DDS, hindi yata matanggap ang katotohanan na pinagloloko lang sila ng idol nilang Duterte. Hehehe…
***
Nagsori na ang guro na si Zenith Enriquez ng Danao City, Cebu, kay Usec. Claire Castro, sa pagsabing babarilin niya sa bunganga ang opisyal. Hindi ito tinanggap ni Castro. Aray!
Prev Post