Advertisers
START ’em young and earn while they learn.
Ito ang tema ng adbokasiya ng inyong kakorner, ang mai-share ang aking God- given talent sa mga potensiyal na magiging alagad ng sining partikular ang mga kabataan.
Ang ating pet project na DANISIMON Arts Session at Sports Clinic FREE ay nasa ika-walong edisyon na ngayong taon dito sa Maynila na balwarte ng tanyag na YORME ng ‘Pinas na si Alkalde Isko Moreno at teritoryo ko na rin bilang laking Singalong at Rizal Memorial sa Vito Cruz.
Matapos ang 7 edisyon sa Tarlac at karatig, Quezon ,Bicol at Leyte kasunod na ang sesyon sa Paraiso ng Batang Maynila sa darating na weekend.
Ang mga batang Leveriza at Adriatico ay handa na sa naturang kaganapan tampok ang mural painting na subject ang mga bayaning atletang taal na taga- Maynila tulad ng Yulo sibling atbp.Gayundin ang on the spot painting contest na ang sentro ng dibuho ay si Yorme na may kaukulang gantimpala.
Tuturuan din ang mga bata kung paano mag- print ng t-shirts at iba pang commercial arts na makakatulong sa kanilang pag-aaral at livelihood balang araw.
Kaya tara lets sa Paraiso para sa dagdag kaalaman pangkabuhayan.
Ang ating adbokasiya sa Maynila ay binansagan kong Arts ISKOlar dahil ito ay libre para sa kabataan sa suporta ng ating mga generosong kaibigan..GUHIT na mga batang ka- SINING!