Advertisers

Advertisers

HIGIT P36.1M DROGA, NASABAT NG BOC-NAIA SA CMEC

0 5

Advertisers

MAY 13 inbound parcels na ‘unclaimed’ ang nasabat sa Central Mail Exchange Center (CMEC) ng mga miyembro ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, na nagbunga sa pagkakakumpiska ng droga na nagkakahalaga ng P36.1 million.



Ayon sa ulat ng tanggapan ni Bureau of Customs-NAIA District Collector Atty. Yasmin Mapa, ang nasabing parcels ay nagmula sa the Netherlands, United States, Germany, India, Thailand at Poland at naka-address sa mga recipients sa Pasay City, Parañaque City, Bacoor City, Tanza, Manila, Quezon City, Rizal at Mandaluyong City.

Ani Mapa, ang mga kahina-hinalang images ay nakita sa X-ray screening ng BOC-NAIA personnel, kaya’t nagsagawa ng mas malalim na inspeksyon. Na-detect naman ng PDEA narcotics detection dog ang iligal na droga, kaya’t nagsagawa ng manual examination ng mga parcels.



Natagpuan sa 13 parcels ang 9,695 gramo ng illegal drugs at 3,756 suspected MDMA tablets, pati na din Marijuana Kush, shabu at ketamine, na batay sa standard drug price, may kabuuang halaga na P36,159,900.

“Malaking halaga ng ilegal na droga ang napigilan nating makapasok sa bansa dahil sa maagap na pagtutulungan ng mga kapulisan at airport authorities. Patuloy nating paiigtingin ang ating pagbabantay at koordinasyon upang maprotektahan ang ating komunidad laban sa panganib ng ilegal na droga,” pahayag ni PBGEN Dionisio B Bartolome Jr, Director, PNP AVSEGROUP. (JERRY S. TAN)