Advertisers
Personal na binisita ni Mayor Edwin Olivarez ang isinagawang creek cleanup at clearing operations ng mga kawani ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Area 5 ng United Parañaque Subdivision 5, Brgy. San Isidro, ngayong araw ng Lunes Agosto 31.
Sa pagbisita ng alkalde, nakita niya ang kumpol ng basura na nakahambalang sa creek, malapit sa 11th Street.
Kaya nanawagan si Olivarez sa mga residente na huwag magtapon ng basura sa alinman na mga daluyan ng tubig dahil isa ito sa mga sanhi ng pagbaha.
Kasalukuyan ng inaalis ng CENRO ang puno na natumba sa creek, at kinausap na rin ni Mayor Olivarez ang mga lokal na lider tungkol sa maaaring gawin sa isang bahagi ng riprap na nasira. (Kuna ni RONALD BULA)