Advertisers

Advertisers

Preliminary investigation vs Baldwin , 8 pa sinimulan na

0 4

Advertisers

Sinimulan na ang preliminary investigation sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide laban kay dating Ateneo de Manila University Coach Tab Baldwin  at  walong iba pa kaugnay sa pagkamatay ng dalawang student athlete  noong Hunyo.

Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Usec Ian Norman Dato na dinidinig na ngayon ang nasabing reklamong ito at hindi ang naunang inihain ng Philippine National Police (PNP) na anti-hazing law.

Paliwanag ni Usec. Dato, ang reckless impridence resulting in homicide ang dinidinig sa preliminary investigation dahil ito ang nakapasang kaso na dapat ihain batay sa ebidensyang ipinirisinta ng mga otoridad na pasok sa mga kwalipikasyon sa ilalim ng Department Circular number 20 na tumtuukoy sa prima face evidence rule.



Ang mga respondents ay pinagsusumite ng counter affidavit sa isasagawang ikalawang pagdinig sa Sept.15.

Bukod kay Baldwin, kabilang sa respondents sa reklamong reckless impridence resulting in homicide sina Grant Dearns, Dean Caesar B. Castaño, Sandro Nicholas Soriano Romero, Reynaldo C. Jacinto Jr., John Eric Quiambao Rueca, Ceasar Vincent Javellana Elumba, Emmanuel Toribio Fernandez, at Vincent Raphael M. Mangulabnan.



Isinagawa ang unang preliminary hearing nitong Lunes, Agosto 31, ayon kay Usec.Dato.

Hindi naman lalagpas sa anim na taon ang katumbas na pagkakakulong ang parusa sa naturang kaso .
Matatandaang na namatay matapos malunod sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa Dipaculao ,Aurora   sa kanilang training /team building noong Hunyo.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">