Advertisers

Advertisers

Sasakyan ni MMDA GM Torre ang nahuli sa EDSA Busway

0 2

Advertisers

SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes noong Huwebes na ang sasakyang nakunan ng video habang ginagamit ang EDSA Busway ay pagmamay-ari ni MMDA General Manager Nicolas Torre III.
“Meron naman pong admission si GM Torre na kanya po ‘yung sasakyan na navideohan po sa busway. I cannot confirm kung sakay siya,” sabi ni Arte.
Dagdag pa ni Artes, ang Land Transportation Office (LTO) ang may hurisdiksyon sa kaso.
“Naka-receive po kami ng show cause order dahil ‘yung plaka po na nakakabit sa kotse na na-video-han ay appeared to be licensed plate ng isang sasakyan ng MMDA,” dagdag ng opisyal
Ayon sa LTO, kusang isinuko ni Torre ang sasakyan. Nasa kustodiya na ito ngayon ng ahensya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.