Advertisers

Advertisers

Shira awat muna sa pabebe roles

0 10

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Pangwalong pelikula na ni Shira Tweg ang suspense thriller na “Mantsa” na idinirehe ng award-winning director na si Louie Ignacio.

Aniya, kakaiba raw ang role niya sa nasabing movie na iprinudyus ng Dragon Entertainment Productions.

“It’s really different. Kadalasan po kasi, ang mga natotoka sa aking roles ay iyong sweet girl, iyong pabebe pero this time it’s really different. It’s a departure from the roles that I’ve done in the past, so iyon po ang dapat abangan,” aniya.

Proud din siya na maging bahagi ng isang makabuluhang pelikulang may layuning magbigay ng aral sa mga manonood.

“It’s actually an advocacy film that tackles a timely theme about mental health. For everyone to be aware of mental health. Everything naman talaga starts sa mga nag-alaga sa iyo, sa mga nagpalaki sa iyo, sa family,”bulalas niya. ” So, I’m really excited na mai-share siya kasi may aral siya at hindi lang siya basta suspense, ” dugtong niya.

Ani Shira, malaking hamon din daw sa kanya ang gampanan ang role ni Regina, isang witness sa gruesome murder.

First time rin daw niyang makatrabaho ang mga batikang actress na sina Pilar Pilapil at Gelli De Belen sa nabanggit na pelikula.

Pagbabahagi pa niya, na-intimidate raw siya nang malamang makaka-work niya ang dalawa.

“Kinabahan po talaga ako lalo na noong malaman kong makaka-eksena ko si Tita Pilar. Si Direk Louie nga po, nananakot pa na strict nga raw po si Tita Pilar. Tapos, si Ms.Gelli, she’s also an award-winning actress,so kinabahan talaga ako,”lahad niya.

Gayunpaman, thankful daw siya na sobrang supportive ng co-actors niya.

“Si Tita Pilar, inalalayan niya ako kung paano namin gagawin iyong eksena.Sobra po akong grateful sa kanya. At kay Ms. Gelli, sobra po akong mag-enjoy na katrabaho sila,” bulalas niya.

Ang “Mantsa” ay tumatalakay sa pamilya, pagkakaibigan at relasyon.

Ayon nga sa producer na si Bambbi Fuentes, layunin niyang maging game-changer ang obrang ito ni Direk Louie.

“It is called Mantsa, stain… so when you see mantsa ano ang naiisip ninyo? Yeah, dirty… so, panoorin ninyo kasi maraming twist and angles and plots ‘yung pelikula. Na, I made it a point na, kasi pang bata ito, pang-Gen Z din and at the same time ay pang-icon din kasi nandiyan sina Gelli, Tita Pilar, Snooky,”paliwanag niya.

Naniniwala naman ang co-producer na si Tine Areola na tatangkilikin ng masa ang kanilang pelikula.

“We have a good quality movie to offer. More than the film, may makabuluhang mensahe rin ang Mantsa,”ani Tine.

Sa kabila ng katapat na foreign films, solido rin ang paniniwala niya sa talento ng mga Pinoy.

“Basta laban lang.We believe in the limitless potential of our Pinoy talents,”pagtatapos niya.

Bukod kay Pilar, kasama sa powerhouse cast sina Snooky Serna, Janice De Belen, at Gelli De Belen.

Nasa cast din sina Shira Tweg (New Movie Actress of the Year awardee of PMPC Star Awards for Movies 2024), Lloyd Samartino, Dino Guevara, Bo Bautista, Khai Flores (New Movie Actor of the Year by PMPC Star Awards for Movies 2024), LA Santos, Miles Poblete, Than Perez, Ghia Garcia, Mill Marzo, Rain Barretto at RJ Ariar.

Ang pelikula ay mula sa panulat ni Krista Ann Taclan – Fuchs mula sa orihinal na kuwento ni Bambbi Fuentes.

Katulong naman sa produksyon sina T.M. Malones bilang cinematographer, Dennis C. Evangelista bilang line producer at Rosswil Hilario bilang assistant director. Co-producer naman si Apeng Valenzuela, with Bambbi Fuentes at Tine Areola as supervising and executive producers.

Ang pinakaaabangang suspense thriller na ito na mula sa direksyon ng award-winning director na si Louie Ignacio, (“Asintado”, “Laut , “Area”, “School Service” , “Litrato” at “AbeNida”) ay palabas na sa mga piling sinehan simula sa Oktubre 7.