Advertisers

Advertisers

SINO ANG PAMALIT NG CHINA KAY MISFIT SARA SA 2028?

0 10

Advertisers

CHINA, hindi si Misfit Sara, ang kalaban ng sambayanang Filipino sa halalang pampanguluhan sa 2028. Alam ng China na bumigay si Misfit. Alam nila na sumabit ang kanilang aso sa usaping impeachment. Hahatulan ng “guilty” ng Senate Impeachment Court (SIC) at matatanggal sa poder bilang pangalawang pangulo.

Kapag natanggal, hindi siya makakatakbo sa 2028. Mawawala sa eksena si Misfit Sara bago 2028. Emergency situation ang haharapin ng Peking dahil mawawalan sila ng kandidato.

Hindi kami magtaka kung may pamalit ang Peking kay Misfit Sara. Sino sa hanay ng mga pulitiko ang ipapalit kay Misfit? Si Polong? Si Baste? Si Bong Go o Camoteng Robin? Si Pecksniffian (Alan Bitter Cawatano)? Si Tricky Tsis o Fake News Babs?

Makikialam ang China sa halalan ng 2028 tulad ng ginawa nila sa mga nakalipas. Kailangan may magtanggol sa kanilang interes. Aso nila ang mga Duterte. Maliban kay Misfit Sara, nandiyan ang magkapatid na Polong at Baste. Ngunit lubhang mahina sila.

Kaya ang aso ng mga aso ang ang isasabak ng Peking sa 2028. Maaaring mamili sila kay Bong Go o Camoteng Robin. May mabigat na bagahe ang dalawa. Sabit si Bong Go sa sakdal na crimes against humanity laban kay Gongdi sa ICC. Si Bong Go ang chief finance officer sa madugo pero bigong giyera kontra droga ni Gongdi.

Si Bong Go ang namigay ng pabuya at gantimpala sa mga pulis na sangkot sa war on drugs ni Gongdi. Maaaring bumaba anumang oras ang arrest warrant laban sa kanya at sakaling madakip, biyaheng The Hague ang aabutin niya. Nahaharap si Bong Go sa P6.2-B na plunder charges ng isinampa ni Sonny Trillanes sa Office of the Ombudsman. Kapag sumulong ang sakdal, kulong si Bong Go.

Pagtatawanan si Camoteng Robin kung siya ang ihaharap ng Peking sa 2028. Ngayon pa lang, payaso ang dating ni Camote sa mga nakakatawang salita na binitiwan sa SIC. Siya ang kabobohan at katangahan sa pulitika ng bansa.

Hindi nila mapagkakatiwalaan ang mga pulitikong tulad ni Cawatano, Tricky Tsis, at Fake News Babs. Kukunin nila ang pera na pangkampanya ngunit tanging sarili lang ang iisipin. Bakit pagtitiwalaan ng Peking ang alinman sa kanila?

Sa aming pakiramdam, mapipilitan ang Peking na maghanap ng kanilang bata sa hanay ng nasa labas ng Inferior Davao. Maaring piliin nila ang kandidato sa hanay ng mayorya sa Senado o kahit sinuman sa mga gobernador at kongresista. Pagmasdan natin ang galaw ng China.

***

NAGBABALA si dating Kin. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte sa mga namataang barkong pandigma ng China sa baybay ng Eastern Samar. Hiningi ni Barbers Defense, Navy and Coast Guard officials na matyagan at beripikahin ang apat na barkong Chinese People’s Liberation Army Navy (PLAN) sa baybay ng Hilabaan, Eastern Samar.

Hindi dapat balewalain ang ulat na may Chinese naval formation dahil kabilang sa mga dagat pandigma ng China dalawang Luyang III-class guided-missile destroyer at dalawang Jiangkai II-class frigate na nasa karagatang ng bansa. Sinabi ni Barbers na kabilang sa naulat ng naval formation Luyang III-class destroyer bearing hull numbers 159 at 133, at Jiangkai II-class frigate may hull numbers 537 at 535.

Mahalaga matyagan ang kanilang galaw sa karagatan ng Filipinas dahil may dahilan ang China. “This is considerably different from reports of ordinary Chinese fishing vessels or maritime-militia ships in the West Philippine Sea. These are described as PLAN warships, equipped for functions including air defense, long-range strike and anti-submarine warfare.” aniya.

Ayon sa mga ulat, namatyagan ang mga sasakyang iyan Japan Joint Staff Office noong Agosto 22 na naglayag papuntang timog ng Miyako Strait at pumasok sa karagatang ng Filipinas.

***

KUMBINSIDO kami na biglang bumigay ang katinuan ng pag-iisip ni Misfit Sara. Matagal na namin na pinaghihinalaan na may sayad si Misfit pero noong Sabado, malinaw ang pagkawala ng kanyang katinuan sa pag-iisip. May isinulat kami noong Sabado at pakibasa:

MISFIT SARA HAS BIPOLAR SYNDROME

ASK any psychiatrist and he’ll tell you that Misfit Sara has what mental health experts say as bipolar syndrome. At one point, she could be very excited, buoyant, and happy. She would say many positive things as if everything is fine and acceptable to her.

But in a flick of your fingers, her mood would swing to the other extreme. She could be very depressed, fearful, and suspicious. She could be paranoid, feeling as if the world is ganging on her. Misfit Sara is a clinical case.

We saw what afflicts her when she went to the Quezon City Hall of Justice to settle bail payments for her temporary release. She made a scene in a blatant display of her mental state.

Psychiatrists could privately diagnose her condition, but they would not go public. Filipino psychiatrists are prohibited by the Goldwater Rule to discuss their diagnosis of a person’s mental health if they have not personally examined him or if he has not given her approval.

Filipino psychiatrists don’t have this Goldwater Rule, but they follow the Code of Ethics of the American Psychiatrists’ Association, of which the Goldwater Rule is part. But we know better even if we are less technical about her mental state.