Advertisers

Advertisers

Notoryus holdaper ng mga Coffee Shop, arestado

0 7

Advertisers

Iniharap sa media ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagozo si alyas Lupin, kinilalang si Rolando Cabigting y Binuya, notoryus holdaper ng mga Coffee Shop mula Caloocan City, Tondo, at Sampaloc Manila.

Sa pinagsanib na puwersa ng SPECIAL MANILA REACTION TEAM (S. MA. R. T) sa pangunguna ni LT. COL. CICERO M. PURA, MPD-STATION 4 GULOD PCP Commander PLT. CHRISTOPHER NOGOY, nasabat sa isinagawang follow up operation si Lupin, sa kahabaan ng G. Tuazon St., Sampaloc, Manila.

Agad namang nagbabala si YORME ISKO na ‘wag ng subukang gumawa ng krimen sa Lungsod Maynila at ang mga kapulisan ng MANILA POLICE DISTRICT (MPD), dahil hahabulin sila ng awtoridad kahit saan sila magtago. (Crismon Heramis)