Advertisers

Advertisers

PROTECTION RACKET SA CALABARZON, INALMAHAN!

0 4

Advertisers

KINONDENA ng grupo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) ang protection racket syndicate scheme ng nagpapakilalang sugo ng mga tanggapan nina PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Dir MGen. Robert Alexander Morico II na nagbigay ng proteksyon sa malawakang gambling operation sa CALABARZON at ng illegal LPG refilling station o pasingaw at burik/paihi sa bayan ng Ibaan, Batangas, Carmona City, Cavite, Calamba City at Cabuyao City sa Laguna.
PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. at CIDG Chief Maj. Gen. Robert Alexander Morico II
Hindi lamang ang opisina ng PNP Chief Gen. Nartatez Jr. at CIDG Director MGen. Morico II ay gasgas din sa mga ilegalista sa kanilang pangongolekta ng protection money  pati ang mga pangalan ng tanggapan ng mga provincial director, CIDG Special Task Force (STF), RSOU, CIDG Regional FU-4A, CIDG Provincial Offices at mga City municipal Police Office ay panakot din ng mga nagpapakilalang police tong collector na sina Magsino, Adie, alyas Sgt. Adlawan at Tisoy.
Sina Magsino, Adie, alyas Sgt. Adlawan at Tisoy ang pinangalanan ng MKKB na protektor ng illegal refilling station ng Liquified Petroleum Gas (LPG) na lalong kilala sa underworld na “Pasingaw” sa hurisdiksyon nina Ibaan  Mayor Jane Casas at Police Chief Maj. John Leo Cuasay.
Kapitalista ni Bunny aka Sgt. Mercado ang tomboy  Chinese military spy na sangkot din sa malawakang operasyon ng ilegal na droga sa buong CALABARZON.
Gamit na front sa bentahan ng shabu ang kuta nina Bunny/Sgt. Mercado at ng Chinese military spy malapit sa Ibaan Exit at STAR Tollway na madalas daanan ng mga sasakyan nina Batangas Acting PNP Provincial Dir. Col. Oliver Ebora, CIDG Provincial Officer Lt Col. Ryan Dexter Andulan, Mayor Casas at Maj. Cuasay.
Tinuligsa ng MKKB ang kawalan ng aksyon ng Bureau of Immigration (BID) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) operatives laban kina Bunny/Sgt. Mercado at ex-mayor na Chinese military spy.
 Sa tulong nina Magsino, Adie, alyas Sgt. Adlawan at Tisoy ay ipinagbabanduhan nina Bunny at ng tomboy Chinese military spy na nakarekta din sila sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) Regional Office sa Lipa City, dahilan upang walang katinag-tinag ang kanilang pasingaw at illegal drug operation, ayon pa sa MKKB.
Ang mga nag-ooperate din pasingawan at burikian/paihian ay ang pinatatakbo nina alyas Goto, alyas Cholo at alyas Bogs na mga lider ng Violago Group at mga dummy na sina Amang at Aldo sa Brgy. Bancal Carmona City; nina Ador at ng utol nito sa Calamba City at Cabuyao City na pawang di tinitinag ng mga Provincial director, CIDG Provincial officers at mga police chief ni PNP Acting Region 4A Dir. Dominic Baccay.
Sina Magsino, Adie, alyas Sgt. Adlawan at Tisoy  din ang nagpakana ng laganap na operasyon ng mga ilegal na pasugalan lalo na ng  loteng ni alyas Sola sa lalawigan  ng Rizal; Small Town Lottery (STL) bookies, peryahan na may sugalan (pergalan) at shabuhan, at sakla sa Batangas, Cavite, Laguna at Rizal.
Ibinunyag din ng MKKB na maliban bukod sa pagiging police at NBI tong collector ay nagpapatakbo ng sakla sa Sto. Tomas City at sa bayan ng Mataas na kahoy, Batangas sina Magsino at Adie.
 Isinisi din ng MKKB ang garapalang operasyon ng sakla sa Padre Garcia nina alyas Tisoy, Jeff at alyas Nonit; sa Lemery ni Danny sakla at alyas Mayor,  sa Nasugbu nina Elnar at pulis na alyas Ilao; sa Rosario ni alyas Morpe; Alitagtag at San Luis ni alyas Kap Mike; Taysan ni alyas Arnaiz; sa San Juan ni alyas Rome;  sa Tuy ni Digo at Calaca City ni alyas Jubert.
Talamak din ang operasyon ng mga peryahan na front ng sugalan at bentahan ng shabu. Ang mga ito ay ang pinatatakbo ni alyas Larry sa  tabi ng CP Reyes Satellite Clinic sa Santiago Malvar; ni alyas Baby Tomboy, Onad at Allan sa Calaca City;  alyas Baby Tomboy, Allan at Maricel sa Darasa, Tanauan City; alyas Baby Tomboy at Joseph sa San Agustin; Ashley sa Sta. Clara, pawang sa Sto. Tomas  City; Charlie sa San Lucas, Lipa City; Marinteh sa Apacible Street, San Nicolas; alyas Tina sa San Roque, Bauan; alyas Mundo at Arnel sa Lemery.
 Higit na lantaran ang sakla sa Cavite lalo na sa mga bayan ng Alfonso, Kawit, Maragondon, Naic, Ternate, Magallanes, Bailen, Silang, Indang at mga siyudad ng Bacoor, Dasmariñas at Cavite na lalo pang nagpapa-pangit sa imahe nina PNP Chief Nartatez Jr. at CIDG Dir. MGen. Morico.
***
Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144.