Advertisers
SABI ni DILG Secretary Jonvic Remulla, tukoy na nila kung saan nagtatago ang wanted sa batas na si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Kaso hindi raw nila ito basta maaresto ang senador dahil posibleng dumanak ang dugo. Kinakanlong daw kasi ito ng makapangyarihang tao o grupo. Kaya nagsasagawa sila ngayon ng negosasyon para isuko si Bato sa maayos na paraan.
Sinong tao o armadong grupo kaya ang kumakalanlong kay Bato? Ang MNLF? Ang MILF? O malaking religious organization sa Mindanao o sa Metro Manila?
Hmmm…kung PNP Chief pa siguro si General Nicolas Torre, malamang pasukin niya anumang grupo ang nagtatago kay Bato. Tulad ng ginawa niya sa pag-aresto kina Apollo Quiboloy at ex-Pres. Digong Duterte.
Say n’yo mga pare’t mare?
***
Lilipad patungong France ang magkapatid na DILG Sec. Jonvic Remulla at Ombudsman Boying Remulla.
Kakausapin daw nila ang gobierno ng France, kungsaan pinaniniwalaang nagtatago ang wanted sa Pilipinas na si Zaldy Co.
Maliban kay Co, nasa France din ang mag-inang Senador Loren Legarda at Congressman Leandro Leviste na kapwa may kinakaharap na kasong Plunder kaugnay ng umano’y katiwalian sa solar project sa Pilipinas.
Ipa-followup din daw ng magkapatid na Remulla ang Interpol red notice laban kay Zaldy Co.
Si Zaldy, dating House Appropriation chairman ni dating House Seaker Martin Romualdez, ang missing link sa trilyong flood control projects scandal.
Wish natin sa pagbalik ng mag-utol na Remulla ay bitbit na nila si Zaldy Co.
Ang co-accused ni Co na si Romualdez ay arestado na.
***
Sabi ng mga DDS: Dapat maaresto rinang pinaka-amo ni Romualdez.
Ang tinutukoy ng mga DDS na pinaka-amo ni Romualdez, kung hindi ako nagkakamali, ay si Pangulong “Bongbong” Marcos.
In fairness kay PBBM, siya ang nagpaimbestiga sa katiwalian sa flood control projects. Kaya naniniwala ako na wala siyang alam kung nangulimbat man ang kanyang pinsang si Martin.
Naniniwala ako na hindi magnanakaw si PBBM.
At kung imbestigahan o kasuhan man si PBBM, ito’y mangyayari lamang pagkatapos ng kanyang termino sa Hunyo 31, 2028. Posible sa last quarter ng 2028 pero depende kung sino ang maging presidente. Kung isang Duterte ang maging pangulo sa 2028, tyak kulong si BBM. Peks man!
So far, may immunity from suit si PBBM. Period!
***
Si ex-DPWH Secretary Manuel Bonoan ang pinaka-tama maging state witness. Dahil sa kanyang kamay dumadaan ang lahat ng pag-apruba sa national projects. Siya ang pumipirma sa bawat hirit ng mga miembro ng gabinete at politiko partikular congressman at senador.
Maraming makukulong pag nagsalita na si Bonoan.
Subaybayan!