Advertisers
Bilang pagpapatuloy ng September 2026 Bar Examination, isinagawa ng Manila Hawkers Division sa pangunguna ni HAWKERS Director Raffy Alejandro ang monitoring kasama ang Hawkers Task Force sa paligid ng dalawang testing centers—University of Santo Tomas at San Beda University—upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan at katahimikan sa mga lugar na sakop ng operasyon.
Sa UST, nakatutok ang monitoring sa Lacson cor. Dapitan, Dapitan cor. P. Noval, España Ave. at España cor. P. Noval. Sa San Beda University, kabilang ang Mendiola, Legarda, San Rafael at San Miguel. Patuloy ang pagbabantay upang maging maayos ang daloy ng mga examinees, pedestrian at sasakyan sa paligid ng mga testing centers. (BONG SON)

