Advertisers

Advertisers

Operation Listo ni Gen. Olazo, ramdam agad ng milyong QCitizen

0 4

Advertisers

Ibang klase rin itong si PBrig. Gen. Christopher Olazo, akalain mo kakaupo pa lamang niya bilang Acting District Director ng Que,zon City Police District (QCPD), pero agad nang naramdaman ang epekto ng kanyang liderato.

Sa loob lamang ng pitong araw o isang linggo simula nang ipagkatiwala sa kanyang ang pulisya ng lungsod, napababa niya ang krimen sa lungsod sa kabila ng napakalawak ng Quezon City. Kunsabay, hindi na ito nakapagtataka dahil sa malawak na rin ang ekspiryensa ng opisyal – marami na siyang hinawakan sensitibong posisyon.

Sa kooperasyon ng bawat opisyal at tauhan ng QCPD sa ilalim ng superbisyon at pangunguna ni Olazo sa inspeksyon sa mga larangan ng lungsod, bumulusok nang 42.86% ang walo sa pinakaseryosong uri ng krimen sa lungsod kung saan mula sa 28 naitalang insidente noong huling linggo ng Agosto, bumaba ito sa 16 na lamang nitong unang linggo ng Setyembre.

Patunay lamang na ang mabilis at malaking pagbabagong ito ay epektibo ang pamumuno ni Olazo, na pinalakas pa ng mahigpit na pagpapatupad ng “Operation Listo.”

Sa kampanyang Listo, ang pulisya ay nakatutok sa pagiging laging handa, mabilis na pagtugon sa mga insidente, puspusang patrol operations, at walang-patid na police visibility. ‘Ika nga ni Olazo na hindi kailangang maghintay ng matagal upang maghatid ng kongkretong resulta laban sa kriminalidad….at ito ay kanya ngang napatunayan sa loob ng isang linggo.

Tandaan na higit sa mga numero at estatistika, ang totoong tagumpay ng kampanyang ito ay ang kapayapaang ibinibigay nito sa milyun-milyong QCitizens. Dahil sa “Operation Listo” ay nakabantay at nakaalerto ang mga awtoridad sa bawat sulok ng lungsod kung saan ay mas nagiging panatag na ang loob ng bawat mamamayan na lumabas ng bahay sa anumang oras, lalo na tuwing gabi.

Sa Operation Listo mas ramdam ng mamamayan ng Kyusi ang presensya ng pulisya sa mga kalsada, kung saan hindi na kailangang mangamba ng mga pamilya para sa kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ang maagang tagumpay na ito ni Olazo ay magandang simula at patunay na kapag listo ang pulisya at maayos ang pamumuno, kayang-kayang ibigay sa mga taga-Quezon City ang ligtas at payapang lungsod na nararapat para sa kanila.