Advertisers

Advertisers

TUMAAS ANG KREDIBILIDAD

0 12

Advertisers

WALANG kumontra—bagkus marami pa nga ang natuwa—sa ibinigay na parangal at pagkilala ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) kay Undersecretary Gilbert DC Cruz sa kanyang ehemplo at liderato pagdating sa pagpapatupad ng batas (law enforcement).

Iginawad kay Usec. Gilbert ang parangal bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-28 anibersaryo ng VACC kamakailan sa Camp Crame.

Matagal na rin nating kilala at kaibigan si Usec. Gilbert, sapul pa noong siya ang ‘PD’ (provincial director) ng Laguna Police Office kung saan sa kanyang termino, “humakot” ng sandamakmak na ‘award’ ang LPPO mula mismo sa PNP dahil sa kanyang mahusay na pamumuno.

Kahanga-hanga ang resulta dahil panahon noon na marami pang ‘graduates’ ng Philippine Military Academy (PMA) sa PNP-Calabarzon pero “dinaig” sila ng LPPO na pulos “produkto” naman ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang mga ‘COPs’ (chiefs of police) kasama na ang buong kumand ng LPPO, sa pangunguna nga ni Usec. Gilbert, na chairman din ngayon ng PNPA Alumni Association.

Ngayon naman, wala pang isang taon sa puwesto bilang ‘administrator’ ng Office of Transportation Security (OTS) matapos ang higit 2-taon termino sa Presidential Anti-Organized Commission (PAOCC), muling ipinakita ni Usec. Gilbert na kaya niyang ibangon ang dangal at itaas pa ang kredibilidad ng OTS.

Sa totoo lang, kung “sikat” noon ang OTS at mga ‘Security Officers’ nito, ito ay dahil sa isyu ng “tanim-bala” o tuluyang pagkawala ng mga naiwang gamit sa airport at mga pantalan ng mga pasahero.

Kung dating “nangangamba” at ‘TH’ (tamang hinala) ang mga pasahero sa mga operatiba ng OTS, ngayon, alam nilang isa na itong mapagkakatiwalaang ahensiya na hindi “dudugasin” ang mga naiwan nilang gamit o gagawan sila ng “problema” para lang “makadelihensiya.”

“Mabibilang na lang sa daliri,” wika nga, ang mga opisyal sa gobyerno na ‘appointed’ ni PBBM na masasabing tapat sa kanilang trabaho at sa kanyang mandato na matino nilang pamunuan ang mga ahensiyang ipinagkatiwala sa kanila.

At sa kaunting bilang na ito, alam nating walang kokontra kung ipunto natin na kasama si Gilbert sa hanay nila, tama ba, mga kabayan?

Muli, mabuhay ka, Usec. Gilbert!