Advertisers
Mas nais ng CIDG-NCR na mailipat si dating House Speaker Martin Romualdez mula sa Cardinal Santos Medical Center patungo sa PNP General Hospital sa Camp Crame sa Quezon City.
Ayon kay CIDG-NCR Chief, Col. John Guiagui, mas magiging madali para sa mga awtoridad na bantayan at i-secure si Romualdez kung mananatili ito sa loob ng PNP compound.
Sinabi ni Guiagui na mas kontrolado ng pulisya ang seguridad sa Camp Crame at mas mababawasan ang posibilidad na makatakas ang kanilang binabantayan.
“Mas sigurado kami na hindi kami matatakasan,” paha-yag ni Guiagui.
Dagdag pa ng opisyal, mas convenient din para sa mga tauhan ng PNP ang pagbabantay sa PNP General Hospital.
Aniya, kailangan kasing kumilos ang mga security personnel nang hindi nakakaabala sa mga pasyente at hindi nakakapukaw ng labis na atensiyon ng publiko.
“Kasi sa Cardinal Santos ang daming pasyente doon, ang daming tao doon. Kaila-ngan naming gumalaw na hindi kami makaabala,” aniya.
Bukod dito, sinabi ni Guiagui na may security risk din umano sa Cardinal Santos dahil limitado lang ang mga tauhan ng pulisya doon kumpara sa loob ng sarili nilang compound.