Advertisers

Advertisers

‘Zero budget’ sa pagkuha ng mga guro sa 2027, itinanggi ng DBM at DepEd

0 2

Advertisers

MARIING pinabulaanan ng pamahalaan na wala umanong pondong nakalaan para sa pagkuha ng mga public school teachers sa panukalang 2027 national budget.

Sa pahayag ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Education (DepEd), sinabi nilang may nakalaang mahigit P31 billion para punan ang 64,530 authorized teaching positions.

Ibig sabihin, tuloy anila ang hiring ng mga kwalipikadong guro.



Kabilang dito ang mahigit 31,000 bakanteng teaching positions at halos 33,000 bagong posisyon na inaprubahan ng DBM nitong buwan ng Mayo.

Ipinaliwanag ng dalawang kagawaran na magkaiba ang paglikha ng bagong posisyon at ang pagkuha o pag-hire ng guro para sa mga dati nang authorized positions.



Sinabi nina Education Secretary Sonny Angara at Budget Secretary Kim Robert De Leon na ang prayoridad ngayon ay mapunan agad ang mga bakanteng posisyon at ma-deploy ang mga guro sa mga lugar na kung saan sila pinaka-kailangan.

Ginawa ang paglilinaw kasunod ng mga ulat na wala umanong kukuning mga guro sa 2027 matapos hindi maisama sa panukalang budget ang hiling na paglikha ng karagdagang 14,274 na teaching positions.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">