Advertisers

Advertisers

26 kaso kaugnay ng flood control projects isinampa na sa Sandigan

0 4

Advertisers

PUMALO na sa 26 ang mga kasong may kaugnayan sa flood control projects na isinampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan laban sa ilang senador at kongresista.

Sa proposed budget hearing ng Judiciary sa Senado nitong Huwebes, Setyembre 10, kinumpirma ni Presiding Justice of the Sandiganbayan, Atty. Geraldine Faith Econg na unang isinampa ng Ombudsman ang kaso noong November 18, 2025.

Ilan sa mga kaso ay nasa defense stage na, habang isang kaso naman ang na-archive matapos hindi matunton ang akusado.



Ani Econg, maaaring magkaroon ng desisyon sa mga kaso sa loob ng isang taon kung masusunod ang itinakdang proseso sa ilalim ng Speedy Trial Act, maaaring mauwi sa conviction o acquittal.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">