Advertisers

Advertisers

‘2/3 ng Senator-Judge na present ang makaka-impeach kay Sara’

0 3

Advertisers

PINAGDEDEBATEHAN na sa ongoing impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ang 2/3 na kailangang boto para mapatalsik sa kapangyarihan ang huli.
Nakasaad sa Saligang Batas na 16 boto o 2/3 mula sa 24 bilang ng mga senador ang kailangan para mapatalsik ang isang impeachable official.
Pero dahil hindi na kumpleto ang bilang ng Senator-Judges, hinihimay ngayon ng mga eksperto sa batas, kabilang ang mga may gawa ng 1987 Philippine Constitution kung kailangan pa rin bang sundin ang 16 boto para mapatalsik ang isang impeachable official tulad ni VP Sara.
Tatlong senador kasi ang hindi nakakalahok sa impeachment trial, ang dalawa pa rito ay hindi nakapanumpa bilang Senator-Judge.
Sina Senador Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta ay kapwa nakakulong sa Plunder, si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ay ilang buwan nang hindi nagpapakita sa publiko, nagtatago dahil ICC arrest warrant.
Tapos lumipad narin sa ibang bansa sina Senador Loren Legarda at magkapatid na Sen. Alan Peter at Pia Cayetano. Walang kasiguruhan kung babalik pa sila ng Pilipinas dahil sa kinakaharap ding kasong Plunder.
Kapag nagkataon, anim na senador ang hindi actual na makakapag-participate sa botohan sa impeachment, na posible mangyari sa Disyembre ng taon.
Ibig sabihin ay 18 senador lang ang present sa mangyayaring botohan laban kay VP Sara.
Kung 18 Senator-Judges lang ang present sa actual na botohan sa impeachment, ang 2/3 nito ay 12. Tiyak impeach si Sara!
Pero bago mangyari ito, kailangan munang lutasin ang problema ng 2/3 sa 24 Senator-Judge sa impeachment sa Constitution.
Subaybayan!
***
Nanawagan nitong Biernes si VP Sara laban kay Pangulong Bongbong Marcos na bumaba na sa puwesto dahil masyado na raw itong pahirap sa mamamayan.
Aniya, ubod ng sinungaling at abusado si PBBM.
Kaya raw lumalangoy ngayon sa baha ang mga mamamayan ay dahil kay Marcos.
“Walang dala si Marcos kung hindi pahirap sa taumbayan,” sigaw ni Sara sa harap ng kanyang mga supporter. “Mahal ko kayo. Kaya ako nandito kasi ayon sa  sinabi ko, nahihiya ako sa inyo… Hindi ko magawang umalis. Hindi ko magawang tumahimik na lamang dahil nakikita ko kayong lumalangoy sa baha.”
Si VP Sara ay nahaharap sa impeachment dahil sa mga isyu ng katiwalian tulad ng paglustay sa higit kalahating bilyong pisong confi funds ng DepEd at Office of the Vice President, mga tagong yaman, at pagbanta sa buhay ni PBBM, First Lady Liza Araneta, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Ang kasalukuyang iniimbestigahang flood control scandal ay nangyari mula sa panahon ng kanyang ama, ex-President Rody Duterte.
Ang mga sangkot sa flood control ay mga DDS senators, congressmen at contrators.
Ang mga dating opisyal ng DPWH na sangkot sa naturang katiwalian ay mga batang Duterte.
Si PBBM ang nagpaimbestiga sa flood control projects.