Advertisers
Apat katao sa kasong Cyber Libel ang dinakma ng mga pulis sa San Juan City gamit ang warrant of arrest ngayong Biyernes, Setyembre 11, 2026.
Naganap ang operasyon dakong ika-11:30 ng umaga sa San Juan Hall of Justice, sa P. Guevarra St. cor. Pinaglabanan Rd., Brgy. Corazon de Jesus, San Juan City.
Arestado ang mga sumusunod:
– alyas “Nard”, 42 anyos
– alyas “Bert”, 32 anyos
– alyas “JR”, 47 anyos
– alyas “Ben”, 51 anyos
Isinagawa ito ng pinagsamang tauhan ng Station Intelligence Section, Warrant and Subpoena Section, SWAT, at Sub-station 4 ng San Juan CPS.
Ang utos ng pag-aresto ay galing sa RTC Branch 93, Quezon City, na inilabas noong Setyembre 9, 2026 — dahil sa paglabag sa Section 4(c) ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. Itinakda ng hukuman ang piyansa na P10,000 bawat isa.
Sa ngayon, nasa kustodiya pa rin sila ng San Juan City Police Station habang hinihintay ang susunod na hakbang ng batas.
Pinuri ni PBGen. Roman C. Arugay, EPD District Director, ang mabilis at maayos na operasyon. Ayon sa kanya, mananatiling tapat ang EPD sa pagpapatupad ng batas at paggalang sa karapatan ng bawat isa. (Edwin Moreno)