Advertisers
TARGET ng Department of Justice (DOJ) na matapos ng hanggang dalawang linggo ang kanilang pagsusuri sa mga dokumento na may kinalaman sa hiling ng US na pag-extradite kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy.
Ayon kay DOJ Secretary Fredderick Vida, kanilang binigyang prioridad ang “voluminous” extradition documents para mapunan ang extradition treaty obligation ng bansa sa US.
Dagdag pa nito, kanilang pinag-aaralang mabuti ang lahat, at dadaan aniya sa tamang proseso.
Pagkatapos ng dalawang linggo ay kanilang isasalang agad ito para sa paghain ng petisyon sa korte.
Buwan ng Agosto nang pormal na humiling ang US ng extradition para kay Quiboloy matapos na madiin ito sa federal case sa California noong 2021.
Nahaharap si Quiboloy sa mga kasong sex trafficking by force, fraud at coercion, sex trafficking of children, substantive sex trafficking at cash smuggling sa US.
Naaresto si Quiboloy noong 2024 sa Davao City sa kasong human trafficking at child abuse.