Advertisers

Advertisers

WANTED GF FOR ALDEN RICHARDS

0 4

Advertisers

Ni Favatinni San

BAKIT naiyak si Alden Richards ng siya ay tinanong ni Vice Ganda kung handa ba siya magmahal? Marami nanood ng initial telecast ng Gandang Gabi Vice.

Sa bibig mismo ni Alden, wala siyang girlfriend na artista. Imagine, for fifteen years sa showbiz career ay mayaman na siya. Sa January (2027) ay 35 yrs. old ang aktor. Paano ang malamig na gabi at puro unan ang kayakap, huh.

Mabait at matulungin si Alden, may negosyo, production company pero sa estado ng kanyang buhay, inspirasyon niya at mamahalin ang kulang.

May kahulugan ang mg luha ni Alden, tama ang sinabi niya sa bilyong tao sa mundo, impossibleng hindi mahanap ang babaing mamahalin at magbibigay sa kanya ng supling. Sayang naman ang kanyang lahi.

Nakakatakot ang edad ni Alden na lampas sa kalendaryo, ayaw marahil niya na tumandang binata siya.

Muling nag flashback sa akin, sumikat talaga ang tandem nila ni Maine. Grabe, ang fandom noon ng AlDub. Pinagkakaguluhan sila ng mga fans kapag bababa sa Broadway Centrum. Ang gamit ng aktor na kotse ay maliit at uwian pa siya sa Sta. Rosa, Laguna.

Aminin ni Alden na pinayaman siya ng Eat Bulaga. Kaya. tinutukan siya ng GMA-7 ay dahil sikat.

Kaya, noong anniversary ng EB, sinariwa ng mga hosts ang segment nilang Juan for All, All for Juan.

Dahil nasa TV5 na ang EB kaya wa apir si Alden, may ganung isyu.

Well, dapat maghanap si Alden ng girlfriend kahit wala sa syobis para magkaroon ng pamilya.

Kaya umpisahan na ang paghahanap ng dyodyowahin.

BEA ALONZO GOODBYE SYOBIS
SA pag-aasawa ni Bea Alonzo, marami naman ang natuwa. Mayaman din si Bea at pumayag naman sa nuptial agreement ni Vincent Co.

‘Yun din naman ang hiling ng kanyang ex-manager na mag-asawa para magkaroon ng sariling pamilya.

May TV project pa siya sa GMA-7 at tapos na ang kontrata niya.

Ang masakit lang, ‘yung panig niya ay hindi narinig ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Shirley Kuan. Tahimik as in no comment ang drama ni Bea. Goodbye syobis na ba?