Advertisers
BINAGSAKAN na rin ng sisi ng mga biktima ng leptospirosis ang mga mandarambong na nagnakaw ng bilyones sa kaban ng bayan.
Dapat lang silang sisihin ng mga ito sa dahilan na ang kanilang ninakaw ay pondo para sa flood control project ng gobyerno.
Kahit sana papaano ay naibsan man lang kahit konti ang problena sa pagbaha kung inubos nila ang pondo para dito.
Eh ang problema ay sa mga sariling bulsa at sariling interes lang napunta ang pondo para dito.
Siguro naman anila ay hindi naging ganon kataas ang baha at kung bumaha man ay huhupa agad ito kung pinondohan ito, ‘di po ba?
Hindi sana anila nakababad ang kanilang mga paa sa buong araw at gabi, ito umano ang sanhi kung bakit nila nakuha ang nasabing karamdaman.
Wala rin daw silang sapat na pera para ipambili ng bota at kung Meron man ay sa pagkain na nila ito lalagay.
Ang leptospirosis ay ihi umano ng mga daga na nahalo sa tubig-baha na puma-pasok naman sa Isang tao partikular na sa mga may sugat o halos man sa kanilang katawan.
Sa kasalukuyan ay inilagay na sa epidemic stage ng DOH ang nasabing karamdaman kung saan libong mga tao na Ang apektado.
Mahigit na rin daw sa Isang libong tao ang namatay at libong mga tao rin ang kasalukuyang nasa mga ospital.
Sa laki ng halagang ninakaw ng mga ito, para lang daw kamot sa likod kahit na sagutin nila lahat ng gastusin ng mga apektado.
Totoo nga naman, mantakin mong sa laki ng perang ninakaw ng mga ito ay kayang suwelduhan ang lahat ng mga empleyado sa buong bansa sa loob ng dalawang buwan pribado man at gobyerno.
GREETINGS:
BELATED HAPPY HAPPY BIRTHDAY TO MAMA MARY LAST SEPTEMBER 8, 2026.
IN COMMEMORATION, MATER DEI MARRIAGE ENCOUNTER COMMUNITY CELEBRATED THE QUEEN’S BIRTHDAY IN A SIMPLE YET IN A MEANINGFUL WAY IN STO. NINO DE VIOLAGO CHURCH ON E.RODRIGUEZ AVE., QC.
IT WAS HIGH-LIGHTED WITH A HOLY MASS OFFICIATED BY MDC SPIRITUAL DIRECTOR REV. FATHER JAYSON GONZALES FOLLOWED BY SONGS AND DANCES OFFERED TO THE CELEBRANT.
THE SUCCESSFUL EVENT WAS MADE POSSIBLE THROUGH THE CONTINUING EFFORT AND INITIATIVE OF SHEPHERD ROC/CHRIS BULACAN AND SHEPHERD EGAY/REMY JAEN… KUDOS!!!
THEN AND AGAIN HAPPY BIRTHDAY MAMA MARY… YOU WILL ALWAYS BE REMEMBERED… MABUHAY!!!!