Advertisers

Advertisers

Matugas mag-ama, makikipagtulungan sa Ombudsman sa imbestigasyon ng road project

0 5

Advertisers

TINIYAK nina Surigao del Norte 1st District Representative Francisco “Lalo” Matugas at kanyang anak na si dating Rep. Francisco “Bingo” Matugas II na igagalang nila ang Office of the Ombudsman at ang mandato nitong imbestigahan ang mga alegasyon laban sa mga pampublikong opisyal.

Ayon sa mag-ama, nakahanda silang makipagtulungan sa proseso at sagutin ang mga alegasyon kaugnay ng Mahayhay-Tuburan Road project sa Del Carmen, Surigao del Norte.

Sinabi nila na mahalagang suriin ang mga alegasyon batay sa buong rekord at hindi lamang sa mga pahayag o impormasyon na lumabas sa publiko.

Kabilang dito, anila, ang mga dokumento at ebidensya tungkol sa proyekto, pati na ang mga transaksyong iniuugnay dito.

Iginiit ng mag-ama na ang preliminary investigation ang tamang proseso upang mapakinggan ang kanilang panig, masuri ang mga dokumento at ebidensya, at mabigyan sila ng pagkakataong sagutin ang mga isyung iniuugnay sa kanila.

Sinabi rin nila na hindi nila nais pangunahan ang magiging resulta ng imbestigasyon at handa silang hayaang isagawa ng Ombudsman ang tungkulin nito nang naaayon sa proseso.

“Hayaan nating gampanan ng Ombudsman ang tungkulin nito. Buo ang aking tiwala sa Ombudsman at handa kaming sagutin ang mga alegasyon at ilatag ang aming panig,” saad nila.

Ayon pa sa mag-amang Matugas, nais nilang maiharap sa tamang forum ang kanilang panig at ang mga dokumento at ebidensyang makatutulong upang maging malinaw ang buong konteksto ng mga alegasyon.

“Hahayaang magsalita ang mga dokumento at ebidensya sa tamang panahon,” dagdag ng mag-ama.