Advertisers
Nagsagawa ng inspection si Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid sa Dambana ng Pambansang Watawat sa Imus City, Cavite, isang TIEZA project na nakatuon sa pagpapaunlad ng Central Hub ng lugar.
Layunin ng proyekto na mas mapangalagaan at mabigyang-buhay ang makasaysayang lugar, at higit pang mapaunlad ang heritage tourism sa lungsod.
Kasabay nito ay nakipagpulong si Kuya Mark Lapid kay Imus City Mayor Alex Advincula at sabay na nagsagawa ng site inspection sa proyekto.
Bahagi ito ng patuloy na programa ng TIEZA na maglaan ng pondo para sa mga imprastraktura na makatutulong sa turismo, kabilang ang mga Tourist Rest Areas, tourism enterprise zones, heritage sites, cultural destinations at iba pang pasilidad para sa mga turista.
Patuloy din ang TIEZA sa pagpapaunlad at rehabilitasyon ng mga tourism infrastructure project sa iba’t ibang panig ng bansa, upang maging mas maayos, accessible at ligtas ang mga destinasyong panturista.
Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, layunin ng ahensya na mapalakas hindi lamang ang turismo kundi maging ang lokal na ekonomiya, negosyo at paglikha ng mga trabaho sa mga komunidad.
Samantala, sinabi ni Lapid na mahalagang mapanatili ang kasaysayan at kultura ng bawat lugar kasabay ng modernisasyon at pagpapaunlad ng mga pasilidad para sa mga turista.

