Advertisers
NAGOYA—Makakatapat agad ng Alas Pilipinas Women ang defending champion na China, pero iginiit ni Bella Belen na handa sila para sa malaking laban ngayong Miyerkules sa Okazaki Central Park General Stadium sa Okazaki.
Dumating sina Belen at ang iba pang miyembro ng koponan ng Pi-lipinas sa abalang lungsod noong nakaraang Linggo (Setyembre 13), tatlong araw bago ang mismong kompetisyon.
“We will do our very best against China,” wika ni Belen sa kanyang flight mula Manila.
Matapos ang China, makakatapat ng Alas Women ang Kazakhstan kinabukasan.
May tatlong teams lang sa Pool B at kaila-ngan matalo ng Gilas ang Kazakhstan para maka-usad sa quarter finals ng event na matagal ng pinagharian ng China.
Tinalo ng Chinese ang Japanese straight sets sa 2023 Hangzhou Games para makamit ang kanilang 19th gold medal.
Ang men’s kumpeti-syon ay magsisimula sa Setyembre 27,habang ang beach volleyball magsisimula sa Linggo Setyembre 20 sa Hekinan Ryukuchi Beach Court.
Ipinagtatanggol ng Qatar at China ang kanilang mga titulo sa men’s at women’s divisions.
Ito ang unang pag-kakataon na lalaro ang Alas sa kontinenteng palaro mula noong 2018 Jakarta Games. Kasama sa koponang iyon ang beterano at kapitan na si Jia De Guzman.
Ang iba pang mga miyembro ng koponan ay sina Eya Laure, Angel Canino, Shaina Nitura, Alyssa Solomon, Amie Provido, Thea Gagate, Dell Palomata, Niña Ytang, Mars Alba, at Justine Jazareno.