Advertisers

Advertisers

KATHERINE LUNA HINDI NAILANG KINA COCO AT JULIA

0 4

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ISA si Katherine Luna sa mga sumuporta at rumampa sa opening ng bagong showroom ng Maddox Jewelry, na matatagpuan sa 1011 J.P. Rizal St. Concepcion Uno, Marikina City.

Si Miss Charo Cordial ang owner ng Maddox Jewelry.

Kasama ni Katherine na rumampa ang mga kapwa niya ambassador ng nasabing jewelry brand na sina Maricel Soriano, Ai Ai delas Alas, Jean Garcia, Ara Mina, Kris Bernal at Claudine Barretto.

Kasama si Katherine sa seryeng Sigabo, na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes.

Matagal nang hindi umaarte si Katherine. Kaya tinanong namin siya kung hindi ba siya naninibago sa pag-arte. Ang sagot niya, “Siyempre,hindi naman mawawala ‘yun. Talagang maninibago at maninibago ka sa pag-arte. Kasi, matagal akong nawala sa showbiz. Isang dekada mahigit, ‘di ba?

“Pero hindi rin ako masyadong nahirapan, kasi napakagagaling ng mga director namin,”

Na-link before si Katherine kay Coco. At nagkaroon pa ng isyu sa dalawa dahil sa sinabi ng una sa mga interviews sa kanya noon, na ang huli ang ama ng isa niyang anak.

Pero binawi rin ni Katherine ang naging pahayag niya kay Coco, at humingi siya rito ng tawad, na pinatawad naman siya ng binansagang Primetime King.

Ayon kay Katherine, nu’ng nagkita sila ni Coco sa taping ng kanilang serye, at nagkatrabaho ay wala namang ilangan na nangyari sa pagitan nila, at maging sa girlfriend ng aktor na si Julia.

“Walang ilangan. Iba noon, iba na ngayon.

“Ganun naman siguro kalawak yung kanilang pang-unawa.

“Parang wala lang nangyari. Ganun ang pakiramdam ko. At yun ang ipinararamdam nila sa akin,”aniya pa