Advertisers

Advertisers

NARTATEZ AT MORICO, GINIGIBA SA CAVITE!

0 693

Advertisers

MAYAMAN sa kasaysayan ang lalawigan ni Cavite Governor Gabriel “Abeng” Remulla. Mahalaga ang naging papel nito sa paglaya ng ating bansa sa kamay ng mga mananakop. Sa bayan ng Kawit isinilang ang kasarinlan ng mga Pilipino. Idineklara ni Gen. Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng Pilipinas ang ating kalayaan noong 1898.

Ngunit unti-unting nabubura ang kasaysayan ng Cavite dahil nangingibabaw ang operasyon ng mga iligal na aktibidad na napapabantog sa bayan ni Kawit Mayor Armie Aguinaldo.

PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. at CIDG Dir. MGen. Robert Alexander Morico II

Tuluyan itong mawawalang saysay dahil sa kawalan ng aksyon ng lady mayor na apo ni Gen. Aguinaldo laban sa lumaganap na ilegal na sugal sa halos lahat na barangay ng Kawit.

Ang itinuturong may pakana sa lantarang pasakla sa Kawit ay ang mga “kapustahan” o police tong collector na kinilalang sina alyas Tisoy na kilala ding alyas Rico, alyas Eric Turoc, alyas Ka Bonnie, Dondon Cainta alyas Sgt. Cruz, alyas Hero at Maricon.

Gamit na gamit ng mga naturang tong kolektor sa mga ilegalista ang mga tanggapan nina PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., CIDG Dir. MGen. Robert Alexander Morico II at Acting PNP Region 4A Dir. BGen. Dominic Baccay. Walang kamalay-malay na ginigiba ng mga tong collectror na ito ang magandang imahe ng mga naturang opisyal ng PNP.

Bakit kaya walang aksyon dito ang Cavite PNP Provincial Police Office at si Cavite CIDG Provincial Officer Lt. Col. Jason Gatdula? Namamantikaan kaya ang mga nguso ng mga ito ng iba’t ibang uri ng ilegal sa Cavite?

Maging sa mga munisipalidad ng Alfonso, Magallanes, Maragondon, Silang, Indang, Naic, Ternate, Bailen, mga siyudad ng Dasmariñas, Bacoor at Cavite ay talamak din ang sakla sa mga license cockpit at tupadahan.

Sina alyas Tisoy/Rico, Dondon Cainta, alyas Hero at Maricon ang nanghikayat sa mga kapitalista ng paihi/buriki ng petrolyo at pasingaw ng LPG, sakla, EZ 2, Pick 3, loteng at online gambling na mag-operate sa mga naturang bayan at siyudad sa paliwanag na sila ay sugo ng tanggapan ng PDGen. Nartatez Jr., MGen. Morico at BGen. Baccay.

Sa weekly Php 50K na protection money na ihahatag kina alyas Tisoy/Rico, Dondon Cainta/Sgt. Cruz, alyas Hero at Maricon kada pwesto ng sakla ay pumapalo sa kabuuang Php 500,000 ang kinokolekta lingu-lingo para sa tanggapan nina PDGen. Nartatez Jr., MGen. Morico II at BGen. Dominic Baccay?

Mahigit na Php500,000 ang nakukulimbat nina alyas Tisoy/Rico at Dondon Cainta sa petroleum at oil pilferage at illegal LPG refilling outlet sa sindikatong Violago na sina alyas Cholo; Bog at Goto, Amang at Aldo sa Brgy. Bancal, Carmona City.

May tig Php150,000 ang hatag nina alyas Jun Toto, Kap Abner at Nita Kabayo na mga maintainner ng EZ 2, loteng, pick 3 at online gambling na lingguhan din kinokolekta nina alyas Tisoy/Rico at Dondon Cainta para sa pangalan ng mga opisina ng naturang PNP honchos. May karugtong.

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144