Advertisers

Advertisers

Senador Villar ikinatuwa ang pagpasa sa Senado ng Sandy’s Act, “Wala nang bata o turista ang malalagay sa panganib habang nagbabakasyon”

0 7

Advertisers

Pasay City — Ikinatuwa ni Senator Mark Villar ang pagpasa sa ikatlong pagbasa ng Child Tourist Safety Act o “Sandy’s Act” (Senate Bill No. 1926), na naglalayong palakasin ang safety standards, emergency preparedness, at access sa serbisyong medikal sa mga destinasyong panturista.

Binigyang-diin ni Villar ang sinapit ng anim na taong gulang na si Sandy O. Garovillas, na nasawi matapos magkaroon ng fatal allergic reaction dahil sa kagat ng dikya habang nagbabakasyon sa Port Barton, San Vicente, Palawan noong 2023.

“The namesake of this bill, Sandy Garovillas, is the child who unfortunately passed due to the untreated allergic reaction after being stung by a jellyfish,” ani Villar.

Ayon sa senador, hindi lamang si Sandy ang naging biktima ng kakulangan ng agarang medical aid at emergency response sa ilang mga tourism areas ng ating bansa.

Sa ilalim ng panukala, palalakasin ang mga safety mechanism, emergency response, at access sa medical assistance sa mga itinalagang tourism zones.

“Through the Sandy’s Act we will institutionalize immediate medical response and resources in identified tourism zones, nang sa ganoon, maiwasan na maulit ang mangyari kay Sandy at sa iba pa,” ani Villar.

“Wala na pong bata o turista ang malalagay sa panganib dahil sa kawalan ng medical aid habang sila ay nagbabakasyon,” diin niya.

“Ang mas maayos na safety at emergency measures ay makatutulong sa pagprotekta sa mga turista at pamilya, gayundin sa pagpapalakas at paglago ng turismo sa ating bansa.” pgtatapos ni Senador Villar.