Advertisers

Advertisers

PANCITERIA AROMA HINDI LANG BASTA COMEDY, MAY MATUTUTUNAN PA

0 5

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MAMAYANG 8pm na ang pilot episode ng Panciteria Aroma mula sa Abante News TV. Bida rito ang mahusay na komedyante na si Long Mejia bilang si Mang Pong, may-ari ng isang sikat na panciteria na nagsisilbing tambayan ng mga ordinaryong mamamayan, personalidad, at maging mga opisyal.

Kasama rin sa serye sina international action star Tanjo Villoso, digital influencer at aktres na si Crisha Uy, at rising talent na si Nico Dans.

Ang Panciteria Aroma, ay nilikha at idinirek ng TV creative at direktor na si Willy Cuevas.

Pinagsasama nito ang situational comedy at light hearted action habang umiikot ang kuwento sa pang-araw-araw na buhay, kuwentuhan at mga aral na ibinabahagi ni Mang Pong sa kanyang mga customer.

Ayon sa konsepto ng programa, ang panciteria ang nagsisilbing sentro ng komunidad kung saan nagtutungo ang iba’t ibang tao upang kumain, magkuwentuhan at humingi ng payo.

May sitcom dati na ang title ay Cafeteria Aroma, na bida si Apeng Daldal. Tinanong namin si Long kung ano ang kaibahan ng kanilang sitcom sa Cafeteria Aroma.

Ang sagot niya, “Trending noong araw ‘yung Cafeteria Aroma ni Apeng Daldal. Ang kaibahan namin, sila kape binibenta kami pansit.

“Ngayon ang ginawa namin ni Direk Willy medyo hinaluan namin ng konting… ngayon siyempre marami nang Gen Z, millennial, du’n namin nilagay ngayon.. sinahog ‘yung ingredients ng Panciteria Aroma.

“Saka eto, ‘yung mga nangyayari sa atin ngayon sa politika, nilalagay namin dun,kino-convert namin sa comedy. ‘Yun yung Panciteria ngayong 2026,”

Mapapanood din ang sitcom sa iba’t ibang cable provider, smart TV platforms, streaming apps at social media live streams, kabilang ang Cignal/SatLite Channel 30, Sky Direct Channel 40, Converge Channel 79 at Cablelink Channel 103.

Masisilip din ito sa Samsung TV Plus, TCL Smart TV, LG Smart TV, Amazon Fire TV, Blast TV, kAPPit-bahay at Amasian TV para sa international viewers. May live streams din sa official YouTube, Facebook at TikTok pages ng Abante News TV.

Isasabay rin ang programa sa DWAR Abante Radyo 1494 AM at piling K5 News FM stations sa buong bansa, pati sa digital audio at video platforms ng DWAR Abante Radyo at Abante.com.ph.