Advertisers

Advertisers

Buking! Marcoleta nag-solicit para sa kandidatura

0 5

Advertisers

NAGBIGAY umano ng pera ang tatlong donor kay Senador Rodante Marcoleta para suportahan ang kaniyang kandidatura sa 2025 Senate elections.

Ito ang sinabi sa Sandiganbayan ni Maria Melinda Mananghaya-Henson, direktor ng Field Investigation Bureau ng Ombudsman, batay sa mga Deed of Donation nina Michael Defensor, Joseph Varias Espiritu at Aristotle Baluyut Viray.

Ayon sa mga dokumento, nagbigay si Defensor ng P30 milyon, P25 milyon kay Espiritu, at P20 milyon kay Viray para sa suporta sa posibleng kandidatura ni Marcoleta sa May 12, 2025 elections.



Sina Defensor, Espiritu at Viray ay pawang akusado ni Marcoleta sa kasong plunder kaugnay ng umano’y hindi pagdedeklara ng P75 milyon na campaign contributions.

Sinabi ni Viray na hindi niya basta ibinigay ang naturang halaga kundi nag-solicit sa kanya si Marcoleta para sa kanyang kandidatura.



Sa parehong pagdinig, ipinakita rin sa korte ang video na sinabi ni Marcoleta na pinili niyang hindi ideklara ang mga campaign contribution para maprotektahan ang pagkakakilanlan ng kaniyang mga donor.

Samantala, nanawagan ang Ombudsman ng patas at responsableng pag-uulat sa kaso matapos magkaroon ng maling impresyon sa ebidensyang iniharap sa korte dahil sa paglalabas lamang ng bahagi ng testimonya ng kanilang witness.



Iginiit ng Ombudsman na may mga ebidensyang naging basehan sa pagsasampa ng kaso laban kay Marcoleta at sa kaniyang mga kapwa akusado.